Brother Utoy’s New Monicker: Mamang Mataba

Ang “bad trip” pala, sa byahe talaga nangyayari.

Netu-neto lang, nasa MRT ako galing sa Cubao.  Andaming tao, siksikan. 

Syempre, dahil masikip, hanggang dun lang si Kuya Utoy nyo sa may bandang pintuan ng MRT.

Dumating ang tren sa Ortigas.  May magsyotang pumasok.  Nauna yung lalaki tapos sumunod yung babae.  Tumayo silang nakatalikod sa harapan ko at narinig ko ang usapan nila.

Si Lalaki:  Ba’t ba ang bagal mong pumasok?  Muntik na tayong maiwan.

Si Babae:  Kasi naman, nakaharang yung mamang mataba.

Ako:  (napalinga bigla at narealize na walang ibang hebigatin sa paligid namin.  Nyemas, ako pala ang tinutukoy nyang mamang mataba.)

Hayyss, kailangan ko na talagang magpapayat.  Dati ang stranger’s first description (SFD) sa akin eh si “Tisoy” o kaya eh si “Pogi” o si “Angelic Face.”  (Wag kang mag-react.  Basa ka lang.)  Ngayon eh mas nao-overpower na nag waistline ko ang aking taglay na kagwapuhan.  I’m now officially known as “Mamang Mataba.”

Bad trip.

* * * * *

Kakatapos lang ng aming Formandi’s Big Day.  Ito yung araw kung saan nagsasama-sama ang mga seminarista ng aming orden sa ilang araw na pagbabasketball, volleyball at walang harbat na alaskahan at asaran tuwing cultural presentation at videoke nights.

Apat na grupo kami, each named after a saint.  Ang grupo ko eh Jean Marie Vianney.  Si John Marie Vianney ang sikat na Cure d’Ars at ang patron ng kaparian ng buong mundo.   For our cultural presentation, isinayaw ng mga kagrupo ko ang buhay ni St. John Vianney samantalang kinakanta ako ang eksenang kanilang iaakto.  60’s ang tema namin para madali ang choreo, tapos ang song ko eh in the tune of  “Round the Clock Tonight.”   We only had an hour to prepare.

Hayun, di kami nanalo.  Second lang kami.  Nanalo pa yung play na bastusan na nga ng santo ang dating, naputol pa sa gitna dahil nasira ang CD player namin.

Bad trip.

* * * * *

Eto nga pala ang lyrics ng presentation namin na nipaghirapan ko ring sulatin during merienda.

Chord Pattern : DGDADG, tapos 60’s rock and roll ang beat, tune of “Round the Clock Tonight.”

The John Marie Vianney Rock

Chorus:
John Marie Vianney, sya ay huwaran…
John Marie Vianney, ng kabanalan…
John Marie Vianney, ating tularan,
Sya si John… Marie… Vianney lamang!

May isang bata s’ating kwentuhan,
John Marie Vianney ang kanyang ngalan.
Sya’y tapat, banal, maaasahan,
Mabait at maraming kaibigan,
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam…

Dahil nga sa tawag ng kabanalan
Na ang simbahan’y kanyang paglingkuran,
Buhay pari, kanyang naisipan
Kaya’t seminaryo’y nais pasukan,
Kaya si John Marie Vianney, naging seminarian…

(repeat chorus)

Sa seminaryo, kanyang natuklasan
Ang pag-aaral ay may kahirapan.
Muntik nang bumagsak sa Philosophy,
Sya’y nangamote sa Theology,
Ang pag-aaral ay kalbaryo nyang tunay…

Ngunit si John Vianney, ating kaybigan,
Di sumusuko sa ganyang laban,
Pag-aaral ay pinagsikapan,
Kahit kamo sya’y nahihirapan.
Sige lang ng sige kahit magbagsakan….

(repeat chorus)

Itong si John Vianney, sadyang madasalin,
Hiniling kay God, sya’y papasahin.
Araw-araw sya’y nagrorosaryo,
Nakaluhod ang tuhod na puro kalyo,
Dasal nya’y sanay wag syang pauwiin…

Dumating na nga ang oral exam,
Ang ating bida, pinagpawisan,
Nguni’t himala, sya’y pasang awa,
Si John Vianney, tuwang tuwa,
Pagka’t pwede na syang ordinahan…

(repeat chorus)

Nang maging pari ang ating santo,
Sa bayan ng Ars sya nadestino.
Ito’y bayang maliit at sobrang ilang,
Ang mga tao’y walang pakialam,
Ngunit kay John Vianney, ito’y di hadlang…

Pagpunta sa Ars, sya ay nawala,
Kaya’t nagtanong sa isang bata.
Tanong ng paslit: “Anong kapalit?”
“Basta bayan ng Ars aking nasapit,
Ituturo ko ang daan tungong langit…”

(repeat chorus)

Ang bayan ng Ars, may natuklasan:
Sya ay matinik sa kumpisalan!
Nagsisialis ang mga demonyo
Sa bagsik at bangis ng kanyang payo,
Tumalikod ang Ars sa buhay-kasalanan…

Ang bayan ng Ars ay dinadayo
Para mag-confess sa ating santo,
Mahihirap man o mayayaman,
May kapangyarihan o karaniwan,
Tumanyag si Vianney sa kanyang kabanalan…

(repeat chorus)

Dyan nagtatapos ang ating kwento
Tungkol sa isang cool na santo,
Si John Marie Vianney, Patron ng Pari,
Pagkat kabanalan kanyang pinili,
Nawa ang diwa nya sa ati’y manatili….

(Coda)
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam!
Yeah!

* * * * *

Saka na lang ulit ng Stained Glass Windows.  God bless!

Advertisements

Stained Glass Window of the Day: Raising Jairus’ Daughter

IMG_1412

Ang window na ito ay kuha ko sa loob ng Eglise de St. Louis sa gitna ng syudad ng Grenoble, Isere, France.  Moderno ang disenyo (1920s lang yata) at matitingkad ang kulay, very vivid ang scene na ito ng muling pagkabuhay ng anak na babae ni Jairus.

* * * * *

Toxic.  Andami kong papers na ginagawa, andaming exams, andaming reports.  Idagdag pa dyan itong Concert na gagawin namin sa October 16 sa Simbahan ng Sta. Cruz.  May ipe-present ang mga seminarians na mga pitong kanta (the rest eh puro mga pari na ang kakanta) at dahil ako ang music coordinator ng mga estudyante eh pinapaproblema sa akin ang lahat ng ito. Huh?  One month practice lang?  Para namang ganung kadaling kaladkarin sa practice ang mga hinayupak kong kasama sa seminaryo.  As of the moment eh isang song pa lang ang napapasada namin.  Hayz…  Mag-videoke na lang kaya kami?

Sa mga nais makapanood ng mga seminarians na nagkakalat: sa October 16 po ang concert na ito, sa Sta.Cruz Church, malapit sa Carriedo Station ng LRT 1.  Pinamagatan po itong “Alay-Awit:  A Night of Songs with Priests and Seminarians” featuring ang isang jologs na singing priest mula sa Cebu, at syempre, kaming mga tone deaf na seminarians, plus mga tatlo pang pari na naglakas loob kumanta dahil di-umano’y lagpas 90 ang score nila sa videoke.

May catch po:  500 pesoses ang ticket.  Ang mahal, ano? Kahit sarili kong ate, di ko mabentahan, sa sobrang hiya kong magbenta ng mamahaling ticket sa walang kakwenta-kwentang kanta namin on that day.  Hehehehe…

God bless!

Ang Di Mo Akalaing Advantages ng Pagkakaroon ng Nanay sa Kabilang-Buhay

Ang akala ng lahat, nag-OFW ako dito sa France kaya panay ang parinig nila ng mga pasalubong pag-uwi ko.  Nyemas naman eh.  Seminarian po ako, di naman po ako nag-engineer, nag-programmer, nag-nurse, nag-seaman o nag-teacher sa ibang bansa.   Kung may kinita man ako sa pagbabasbas ng patay o panggogoyo ng mga kabataang Pranses tungkol sa salita ng Diyos, eh istampita’t nobena lang ang kayang bilhin nun. Continue reading

How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster. Continue reading

Medyo Nagmahal na Araw

Di po ako Hiatus Mode.  Wala lang po talaga akong ganang magblog. At wala rin po kasi akong maisulat ng matino.   Parang ayoko nang magblog muna.  Pwede po ba? Continue reading

Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive? Continue reading

Mga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan

Una sa lahat, welcome kay Atticus, kay Luna, kay Jesshua, kay Ikay, kay Bluguy at kay Katpusa sa blogroll ko!  Mga kabisyo, tangkilikin din po natin ang mga kabaliwan nila sa blogs nila.ü

Pangalawa,  maraming maraming salamat kila Malen at Menard sa offers nilang Datkom.  Nakakataba po ng puso pero parang di pa po ready si Utoy sa Big League. Pasensya na po.  Atsaka po, may naoohan na rin kasi ako.  Hehe…  Maraming salamat po ulit!  Touched po ako!

Pangatlo, i-click nyo ito at dalawin nyo ang mga bagong listang baguhan sa ating Hellish Links, Heavenly Blogs.ü

Panglast, patawad po kung di ako nakakablog-hop.   May sinalihan kasi akong theological discussion group dito sa kabundukan tapos yung mga reading materials eh kailangang itranslate ko pa from French to English para lang maintindihan ko.  Syempre, ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.  Anim na documents ang lagi kong tina-translate every week.   Diba, easy lang.  Maning mani.  Parang gusto ko nang mamatay.

* * * * *

Isa sa mga pinaka-common na problema ng isang karaniwang Kristiyano tuwing siya’y dumadalo ng Holy Mass o ng Sunday Bible Service ay ang labanan ang antok.  Automatic yan na pag-upong pag-upo natin para sa First Reading eh parang nagbu-book na agad tayo ng flight papuntang dreamland.   Yung tipong sana di ka na nagpakahirap na maligo at magpaka-japorms:  Nagpajama ka na lang sana para mas komportable pa ang sleep-over mo sa simbahan.

Henywey, alam ko naman na may honest effort talaga ang marami sa atin upang labanan ang antok sa Misa.  Yung tipong isang oras na pakikipagbuno na wag mapikit o tumangu-tango na parang aso sa dashboard ng kotse ang ulo natin sa sobrang antok lalo na during the readings at homily ni Pads (yan ang tawag namin sa mga pari sa seminaryo).  Kaya naman, narito si Kuya Utoy ninyo upang magbahagi sa inyo ng mga tried and tested stay-awake-in-the-Church tips na tyak hindi itinuro sa inyo ni Miss Pacheco at ni Sr. Catherine sa Catechism at Christian Living Class.  Eto na.  Go. Continue reading