Mga Pangunahing Dahilan Kung Bakit Baduy Pero Bumebenta ang Otcho-Ocho

Patalastas muna.  Salamat kay Reynz sa kanyang suporta sa isang online patimpalak.   Pasensya na, Kamahalan at overaged na pala ang blog ko.  Gayunpaman, touched pa rin ako’t nakabilang ako sa original list mo.  Tenkyu po!üüü

* * * * *

Tag ito.  Tag.  Ibig sabihin eh sarili ko na naman ang pag-uusapan dito sa post na ito.   Nyayksidudels…

Na-tag ako ni Heleinah (new spelling para cute) ng mga eight things.ü  Bakit eight at hindi ten, di ko alam. Siguro, natakot ang original na may pakana ng tag na ito na baka mapagod sa kakaisip ang mga future na mata-tag, medyo binabaan nya ang requirement.  8 things na lang instead of 10 things.  Hmmm… merciful!

Anyway, tama na ang dada.  Eto na ang Limang Eight Things About Me.  Continue reading

Advertisements

Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger)

Para sa post na ito, naimbitahan ko si Glesy the Great na mag-guest blogger sa akin.  Na-attain na po ni Glesy ang celebrity status sa Pinoy blogosphere bilang guest blogger ng mga bigating mga Filipino datkomistas at wordpress bloggers.  At kung ayaw nyong maniwalang sikat si Gles, heto po ang list of more popular guestings ni Glesy in chronological order:

1.   HALLOWEEN SPECIAL BY GLESY THE GREAT (for Azrael)
2.   GLESY THE GREAT’S OWN VERSION: THE STORY OF NATIVITY (for Heleyna)
3.   GLESY THE GREAT’ VERSION OF BEAUTY AND THE BEAST (for Joycee)
4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared)
5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay)
6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit)
7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj)
8.   HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney)
9.  TONG TONG PAKITONG KITONG (for Lhay)

Ang especialty po nya ay humor posts, with a heart and a brain.   At kung hanggang ngayon eh di mo pa rin kilala si Glesy d’Great, well.. bahala ka, di ka cool.

Syempre, gusto kong makasama sa prestihiyosong listahan na yan kaya na-Fear Factor ko po si Glesy sa aking Bulaklak Post Challenge.  Napakarami ko po kasing mga bading na bading na litrato ng mga bulaklak na di ko naman maipagmalaki dahil di ako makapagsulat ng post about flowers, without any reference to human female anatomical parts.  Kaya kinailangan ko ang wholesomeness at expertice ni Glesy para maiparada ko naman ang aking mga pantashtik fikchurs oph plawersh nang hindi nawawala ang “for the whole dysfunctional family” factor ng blog ko.  Kaya para sayo, Glesy, maraming maraming salamat.  Kailangang i-schedule na natin ang date natin pag-uwi ko sa Pinas.

Anywey, tama na ang dakdak, Utoy.   Let’s hear it from Glesy!!! Continue reading

How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster. Continue reading

Mga Datkomistas, na-BITAG!!!

Ang mala-Tulfong taytol ko ay dahil nakatanggap ako ng Award Tag galing kay Panaderos (na may bagong Avatar na ngayon).  Ayon sa kanya: 

Written mostly in the vernacular, [Bro.Utoy’s Blog] is a very funny, informative, sometimes irreverent but often witty blog authored by a very intelligent and funny Filipino seminarian based in France.

honestscrap1Dahil nga nakapagbackflip ako sa tuwa’t dalawang beses niya akong tinawag na funny, sinikap kong magcomment sa blog ni Panaderos tungkol dito, pero dahil inglisan ang laban eh hayun at sablay-sablay ang grammar.  Kung gusto nyong pagtawanan ang aking balibalikong pagbabalarila sa ingles, hanapin nyo lang sa blog ni Panaderos, mga damuho kayo.  Pero seriously, sobrang ikinatuwa ko ito’t sa listahan ni Panaderos eh sekon oner ako!  Woohoo!  Salamat, salamat, Panaderos!  Pinapatawad kita kung di mo naisama ang mga katagang na gwapo, magandang lalake, at God’s gift to women upang ilarawan ako.  Di mo pa naman kasi ako sa personal o kahit sa pityurs lang so nauunawaan ko.

At dahil nga pala isa rin itong tag eh siyempre, may kaakibat itong mabibigat na utos: Continue reading

Sugar: not exactly a Valentine story

Una sa lahat, Panaderos, next post ko na susulatin ang tag-award.  pramis.

Pangalawa, welcome sa blogging world kila Chicksykat at Gardiniere

Pangatlo eh salamat kay Jhaynee at pagkalaki-laki ng pangalan ko sa post nya.ü  Touched naman ako.  Touch me more…ü

* * * * *

Di ko alam pero kapag may mga taong nalalaman na seminarista ako, hindi tungkol kay God o kay Jesus o kay Mama Mary ang tinatanong nila sa akin.  Ang una nilang tanong sa akin ay bakit hindi na lang ako nag-artista (buhay pa po kasi si Dick Israel)  at ang pangalawa eh bakit di na lang ako nag-asawa. 

Pumasok din naman sa isip ko ang pag-aasawa.  Na-inlababo din naman ako at nakapagpasagot ng girlfriend, kahit papaano.  Kaya lang eh para talagang lamok sa tenga ko ang tungkol sa pagpapari, bulong ng bulong, di ako pinapatulog at ayaw akong tantanan.  Continue reading

Bintana Chronicles

img_1403img_1961img_1918

img_2037img_2244

img_2062

img_2300img_2684img_2608

HIMNO KO KAY BATHALA

(pasensya na, impromptu lang) Continue reading

Here are the Results!!! (Disappointing)

Heto na ang pinakahihinatay na resulta ng ating patimpalak!!!

Continue reading