Brother Utoy’s New Monicker: Mamang Mataba

Ang “bad trip” pala, sa byahe talaga nangyayari.

Netu-neto lang, nasa MRT ako galing sa Cubao.  Andaming tao, siksikan. 

Syempre, dahil masikip, hanggang dun lang si Kuya Utoy nyo sa may bandang pintuan ng MRT.

Dumating ang tren sa Ortigas.  May magsyotang pumasok.  Nauna yung lalaki tapos sumunod yung babae.  Tumayo silang nakatalikod sa harapan ko at narinig ko ang usapan nila.

Si Lalaki:  Ba’t ba ang bagal mong pumasok?  Muntik na tayong maiwan.

Si Babae:  Kasi naman, nakaharang yung mamang mataba.

Ako:  (napalinga bigla at narealize na walang ibang hebigatin sa paligid namin.  Nyemas, ako pala ang tinutukoy nyang mamang mataba.)

Hayyss, kailangan ko na talagang magpapayat.  Dati ang stranger’s first description (SFD) sa akin eh si “Tisoy” o kaya eh si “Pogi” o si “Angelic Face.”  (Wag kang mag-react.  Basa ka lang.)  Ngayon eh mas nao-overpower na nag waistline ko ang aking taglay na kagwapuhan.  I’m now officially known as “Mamang Mataba.”

Bad trip.

* * * * *

Kakatapos lang ng aming Formandi’s Big Day.  Ito yung araw kung saan nagsasama-sama ang mga seminarista ng aming orden sa ilang araw na pagbabasketball, volleyball at walang harbat na alaskahan at asaran tuwing cultural presentation at videoke nights.

Apat na grupo kami, each named after a saint.  Ang grupo ko eh Jean Marie Vianney.  Si John Marie Vianney ang sikat na Cure d’Ars at ang patron ng kaparian ng buong mundo.   For our cultural presentation, isinayaw ng mga kagrupo ko ang buhay ni St. John Vianney samantalang kinakanta ako ang eksenang kanilang iaakto.  60’s ang tema namin para madali ang choreo, tapos ang song ko eh in the tune of  “Round the Clock Tonight.”   We only had an hour to prepare.

Hayun, di kami nanalo.  Second lang kami.  Nanalo pa yung play na bastusan na nga ng santo ang dating, naputol pa sa gitna dahil nasira ang CD player namin.

Bad trip.

* * * * *

Eto nga pala ang lyrics ng presentation namin na nipaghirapan ko ring sulatin during merienda.

Chord Pattern : DGDADG, tapos 60’s rock and roll ang beat, tune of “Round the Clock Tonight.”

The John Marie Vianney Rock

Chorus:
John Marie Vianney, sya ay huwaran…
John Marie Vianney, ng kabanalan…
John Marie Vianney, ating tularan,
Sya si John… Marie… Vianney lamang!

May isang bata s’ating kwentuhan,
John Marie Vianney ang kanyang ngalan.
Sya’y tapat, banal, maaasahan,
Mabait at maraming kaibigan,
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam…

Dahil nga sa tawag ng kabanalan
Na ang simbahan’y kanyang paglingkuran,
Buhay pari, kanyang naisipan
Kaya’t seminaryo’y nais pasukan,
Kaya si John Marie Vianney, naging seminarian…

(repeat chorus)

Sa seminaryo, kanyang natuklasan
Ang pag-aaral ay may kahirapan.
Muntik nang bumagsak sa Philosophy,
Sya’y nangamote sa Theology,
Ang pag-aaral ay kalbaryo nyang tunay…

Ngunit si John Vianney, ating kaybigan,
Di sumusuko sa ganyang laban,
Pag-aaral ay pinagsikapan,
Kahit kamo sya’y nahihirapan.
Sige lang ng sige kahit magbagsakan….

(repeat chorus)

Itong si John Vianney, sadyang madasalin,
Hiniling kay God, sya’y papasahin.
Araw-araw sya’y nagrorosaryo,
Nakaluhod ang tuhod na puro kalyo,
Dasal nya’y sanay wag syang pauwiin…

Dumating na nga ang oral exam,
Ang ating bida, pinagpawisan,
Nguni’t himala, sya’y pasang awa,
Si John Vianney, tuwang tuwa,
Pagka’t pwede na syang ordinahan…

(repeat chorus)

Nang maging pari ang ating santo,
Sa bayan ng Ars sya nadestino.
Ito’y bayang maliit at sobrang ilang,
Ang mga tao’y walang pakialam,
Ngunit kay John Vianney, ito’y di hadlang…

Pagpunta sa Ars, sya ay nawala,
Kaya’t nagtanong sa isang bata.
Tanong ng paslit: “Anong kapalit?”
“Basta bayan ng Ars aking nasapit,
Ituturo ko ang daan tungong langit…”

(repeat chorus)

Ang bayan ng Ars, may natuklasan:
Sya ay matinik sa kumpisalan!
Nagsisialis ang mga demonyo
Sa bagsik at bangis ng kanyang payo,
Tumalikod ang Ars sa buhay-kasalanan…

Ang bayan ng Ars ay dinadayo
Para mag-confess sa ating santo,
Mahihirap man o mayayaman,
May kapangyarihan o karaniwan,
Tumanyag si Vianney sa kanyang kabanalan…

(repeat chorus)

Dyan nagtatapos ang ating kwento
Tungkol sa isang cool na santo,
Si John Marie Vianney, Patron ng Pari,
Pagkat kabanalan kanyang pinili,
Nawa ang diwa nya sa ati’y manatili….

(Coda)
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam!
Yeah!

* * * * *

Saka na lang ulit ng Stained Glass Windows.  God bless!

Bisami?

Maynila, 2007, tanghaling tapat.  Kagagaling ko lang ng eskwela nang makasalubong ko ang dalawang bulag sa may ibabaw ng overpass ng Guadalupe Station ng MRT.  Madalas na akong nakakakita ng mga bulag na kumakanta at nag-gigitara sa daan para kumita ng konting pera.  Hinfak, suki ako ng isang bulag singing sensation (bss) sa may Cubao, malapit sa station ng mga bus papuntang Bulakan.  Matagal ko nang iniimagine kung paano nasulat ni BSS (Bulag Singing Sensation) ang mga katagang “Donation Box: Salamat Po” sa papel nang tama ang spelling.  Di naman sa minamaliit ko ang kakayanan ni BSS na mag-spell pero bulag kaya sya, di ba dapat in brylle (tama ba spelling, dedpish?) sya magsulat?  Anyway, basta fan ako ni manong BSS sa kanyang mga road gigs.  Nauubos ang mga barya ko sa kakarequest (barya ang binibigay ko kasi may tunog yun pag pinatak sa collection box, parang signal yun kay manong na kakanta na sya).  Binabangga-bangga na nga ako ng mga pedestrian kasi naman, tumitigil talaga ako para makinig sa mga songs ni manong.  In fact, may isang song sya na di ko alam ang title pero namemorize ko na dahil lagi nyang kinakanta:

“Tutulungan kitang malimot mo sya,
ibabalik ang dati mong sigla.
Aking gagamutin, puso mong sinugatan,
sugat na dulot ng salawahan.”

Parang ganyan yata ang lyrics.  Sa mga kablog ko, sinong nakakaalam ng title nito?  Kakaiba ang mga choice of songs ni Manong.  Mga di ko alam lahat.  Parang may sarili syang BSS hot accoustic remix.

Anyway, mabalik tayo sa dalawang bulag na nakita ko sa MRT station.

Ang dalawang bulag ay mag-asawa.  Mga siguro in their 50s na sila.  Mukhang may kinuha silang mga makeup and wardrobe manager dahil pinaka-original sila sa lahat ng BSS na napanood ko sa Pinas.  Si manong ay nakacowboy hat,  boots, leather vest, at aviator shades, samantalang si manang naman ay naka-knitted na vest na malalaki ang butas, nakablack na blouse na parang kulambo, kontodo make-up na lahat kulay violet, at ang buhok nya ay parang kay Shirley Temple.   Kung di nyo kilala si Shirley Temple at tinatamad naman kayong mag-google eh ganito na lang:  alam mo yung batang babae sa logo ng Goldilocks?  Ganun na ganun ang buhok nya.  At blonde kung blonde.  Napaisip ako, alam kaya ng mag-asawang BSS na ito na napagtripan sila ng nagdamit sa kanila?

Anywei, tuloy ang kwento.  Heto na nga’t papalapit na ako sa mag-asawa na mukhang katatapos  lang mag-lunch, nang magsimula si Manong na maggitara…

Whoa!   Ang galeng ni manong!  Laglag ang panga ko sa husay niya mag-plucking.  As in, ikalalagnat mo ang talent nya.  Daig si Jimmy Hendrix.  Partida pa yan dahil luma ang electric guitar ni Manong at medyo parang kalawanging lata ang tunog ng kanyang sound system.  Namangha talaga ako’t napanood sa instant unplugged concert ni Manong.  Grabe, parang si Manong na yata ang guitar’s answer to Susan Boyle pagdating sa mga undiscovered talent.  Samantala, si Manang BSS naman ay kakapa-kapa sa asawa nya hanggang sa madakma nya ang mikropono nito (not that mikropono).  Itinutok na nya sa kanyang bibig ang mikropono ni Manong (anlaswa nyo, anoba) at sinimulan na nyang kantahin in her husky sultry silky contralto voice na may vibrato pa ang isa sa mga all-time classic favorite ng mga bidyokehan.

“Bisami… Bisami mutsu… 
Kumu si pwirasta nutchi la oltima bis…”

Tumataginting na 23.75 pesos ang inilagay ko sa collection box ng BSS couple para sa kanilang naihandog na ultimate musical entertainment para sa mga commuters sa katanghaliang tapat.  Bravo!  Ang galing po!  At nagrequest pa talaga ako ng “You don’t have to say you love me” ni Elvis Presley.ü  Sayang nga lang at wala akong videocam that time.  Kung hindi ay naging youtube sensation na rin sana sila at malay mo, mag-guest din sila sa Oprah o sa Ellen Degeneres Show.

* * * * *

Halata bang wala akong matinong maisulat?

Anyway, ang ating Stained Glass Windows of the Day and Night and Morning Too ay ito!

IMG_2929

IMG_2933

Napicturan ko ito nung grand EB namin nina Rev Siopao at P0kw4ng sa Roma, noong patakbo naming pinuntahan ang Basilica of Sts. Peter and Paul Outside the Walls.  Hindi po sya abstract art, at technically, hindi rin po yari sa glass ang window na ito kundi sa isang uri ng translucent alabaster, ayon na rin sa kwento sa akin ni Aling Wiki.    Ang galing, ano?  Pwede palang gawing bintana ang isang uri ng bato.  Hinfak, hirit na rin ni Aling Wiki, ito ay talagang usong usong bintana ng mga medieval churches noon sa Italy.  Gayunpaman, 19th century addition lang daw ang bintanang ito kasi ito’y isa sa mga donations ng mga benefactors ng Simbahan noong i-restore ang Basilica matapos itong masunog noong 1834.  Hmmm… parang wala na yatang di alam itong si Aling Wiki ah.

God bless!

Mga Pangunahing Dahilan Kung Bakit Baduy Pero Bumebenta ang Otcho-Ocho

Patalastas muna.  Salamat kay Reynz sa kanyang suporta sa isang online patimpalak.   Pasensya na, Kamahalan at overaged na pala ang blog ko.  Gayunpaman, touched pa rin ako’t nakabilang ako sa original list mo.  Tenkyu po!üüü

* * * * *

Tag ito.  Tag.  Ibig sabihin eh sarili ko na naman ang pag-uusapan dito sa post na ito.   Nyayksidudels…

Na-tag ako ni Heleinah (new spelling para cute) ng mga eight things.ü  Bakit eight at hindi ten, di ko alam. Siguro, natakot ang original na may pakana ng tag na ito na baka mapagod sa kakaisip ang mga future na mata-tag, medyo binabaan nya ang requirement.  8 things na lang instead of 10 things.  Hmmm… merciful!

Anyway, tama na ang dada.  Eto na ang Limang Eight Things About Me.  Continue reading

Oh meyn, top teyn!

May mga kakaibang pangyayaring nagaganap sa aking blog.  Una ay sa araw na ito lang ay nakatanggap ako ng 107 spams.  Siguro, normal lang ito sa ibang bloggers pero sa akin, wierd ito, kasi in a week, di sumosobra sa dalawa o tatlo lang ang spam comments na natatanggap ko.  Pangalawa, biglang nabago ang itsura ng blog ko.  Ang blog roll ko ay biglang lumitaw, not on the sidebar, but on the bottom of the page.  Hmmm… Na-virus kaya ang blog ko?

Pero hindi iyan ang tunay na mahalaga sa akin.  Ansaya-saya ko dahil may natanggap akong comment from HRH Reyna Elena the other day.  May surprise daw sya sa akin.  Syempre, kapag ang Reyna ang nagsabi sayo nyan, magkandarapa ka dapat, diba?  Yun nga ang ginawa ko at ito ang tumambad sa aking mga matang may vow of chastity  (salamat pala kay Darbz kasi ninenok ko sa site ng Exodians ang screen capture na ito): Continue reading

Ang Di Mo Akalaing Advantages ng Pagkakaroon ng Nanay sa Kabilang-Buhay

Ang akala ng lahat, nag-OFW ako dito sa France kaya panay ang parinig nila ng mga pasalubong pag-uwi ko.  Nyemas naman eh.  Seminarian po ako, di naman po ako nag-engineer, nag-programmer, nag-nurse, nag-seaman o nag-teacher sa ibang bansa.   Kung may kinita man ako sa pagbabasbas ng patay o panggogoyo ng mga kabataang Pranses tungkol sa salita ng Diyos, eh istampita’t nobena lang ang kayang bilhin nun. Continue reading

Ang Kasaysayan ng Pan-Fried Pink Salmon with Mustard and Cream Sauce

Nakalimutan ko na holiday nga pala kahapon.   Ibig sabihin ay di papasok ang katulong namin kahapon so walang ibang magluluto kundi ako.  Hayun, sa sobrang kakapanood ng parada at musiko kahapon ng umaga eh SMY, meron na lang akong 20 minutes para magluto!  Continue reading

If my entire life can be packed in one day, I’m in the middle of a rush hour, right now…

yup, alam ko, wala na namang entry si Utoy.

Ewan ko, busy period lang talaga ako, mga kapatid.

Bear with me.

For the meantime, I’ll post a stained glass window every other day hanggang sa magkaoras na ulit ako para makasulat.   Tiis-tiis muna sa mga pictures, mga anak.  Isipin nyo na lang, photoblog ito.  Hehe… At inuulit ko po sa lahat, akin po ang mga pictures na ito.  Pinaghirapan ko silang picturan kahit na maraming restrictions sa loob ng museo o simbahan.  Magpaalam naman po kayo kung gagamitin nyo ang mga pictures ko.  Kung hindi… isusumbong ko kayo kay Papa Jesus.  Sige kayo.

Eto na pala ang ating stained glass window of the day!  Maganda ito, pramis. Continue reading