Mga Pangunahing Dahilan Kung Bakit Baduy Pero Bumebenta ang Otcho-Ocho

Patalastas muna.  Salamat kay Reynz sa kanyang suporta sa isang online patimpalak.   Pasensya na, Kamahalan at overaged na pala ang blog ko.  Gayunpaman, touched pa rin ako’t nakabilang ako sa original list mo.  Tenkyu po!üüü

* * * * *

Tag ito.  Tag.  Ibig sabihin eh sarili ko na naman ang pag-uusapan dito sa post na ito.   Nyayksidudels…

Na-tag ako ni Heleinah (new spelling para cute) ng mga eight things.ü  Bakit eight at hindi ten, di ko alam. Siguro, natakot ang original na may pakana ng tag na ito na baka mapagod sa kakaisip ang mga future na mata-tag, medyo binabaan nya ang requirement.  8 things na lang instead of 10 things.  Hmmm… merciful!

Anyway, tama na ang dada.  Eto na ang Limang Eight Things About Me.  Continue reading

Oh meyn, top teyn!

May mga kakaibang pangyayaring nagaganap sa aking blog.  Una ay sa araw na ito lang ay nakatanggap ako ng 107 spams.  Siguro, normal lang ito sa ibang bloggers pero sa akin, wierd ito, kasi in a week, di sumosobra sa dalawa o tatlo lang ang spam comments na natatanggap ko.  Pangalawa, biglang nabago ang itsura ng blog ko.  Ang blog roll ko ay biglang lumitaw, not on the sidebar, but on the bottom of the page.  Hmmm… Na-virus kaya ang blog ko?

Pero hindi iyan ang tunay na mahalaga sa akin.  Ansaya-saya ko dahil may natanggap akong comment from HRH Reyna Elena the other day.  May surprise daw sya sa akin.  Syempre, kapag ang Reyna ang nagsabi sayo nyan, magkandarapa ka dapat, diba?  Yun nga ang ginawa ko at ito ang tumambad sa aking mga matang may vow of chastity  (salamat pala kay Darbz kasi ninenok ko sa site ng Exodians ang screen capture na ito): Continue reading

Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger)

Para sa post na ito, naimbitahan ko si Glesy the Great na mag-guest blogger sa akin.  Na-attain na po ni Glesy ang celebrity status sa Pinoy blogosphere bilang guest blogger ng mga bigating mga Filipino datkomistas at wordpress bloggers.  At kung ayaw nyong maniwalang sikat si Gles, heto po ang list of more popular guestings ni Glesy in chronological order:

1.   HALLOWEEN SPECIAL BY GLESY THE GREAT (for Azrael)
2.   GLESY THE GREAT’S OWN VERSION: THE STORY OF NATIVITY (for Heleyna)
3.   GLESY THE GREAT’ VERSION OF BEAUTY AND THE BEAST (for Joycee)
4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared)
5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay)
6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit)
7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj)
8.   HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney)
9.  TONG TONG PAKITONG KITONG (for Lhay)

Ang especialty po nya ay humor posts, with a heart and a brain.   At kung hanggang ngayon eh di mo pa rin kilala si Glesy d’Great, well.. bahala ka, di ka cool.

Syempre, gusto kong makasama sa prestihiyosong listahan na yan kaya na-Fear Factor ko po si Glesy sa aking Bulaklak Post Challenge.  Napakarami ko po kasing mga bading na bading na litrato ng mga bulaklak na di ko naman maipagmalaki dahil di ako makapagsulat ng post about flowers, without any reference to human female anatomical parts.  Kaya kinailangan ko ang wholesomeness at expertice ni Glesy para maiparada ko naman ang aking mga pantashtik fikchurs oph plawersh nang hindi nawawala ang “for the whole dysfunctional family” factor ng blog ko.  Kaya para sayo, Glesy, maraming maraming salamat.  Kailangang i-schedule na natin ang date natin pag-uwi ko sa Pinas.

Anywey, tama na ang dakdak, Utoy.   Let’s hear it from Glesy!!! Continue reading

How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster. Continue reading

Mga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan

Una sa lahat, welcome kay Atticus, kay Luna, kay Jesshua, kay Ikay, kay Bluguy at kay Katpusa sa blogroll ko!  Mga kabisyo, tangkilikin din po natin ang mga kabaliwan nila sa blogs nila.ü

Pangalawa,  maraming maraming salamat kila Malen at Menard sa offers nilang Datkom.  Nakakataba po ng puso pero parang di pa po ready si Utoy sa Big League. Pasensya na po.  Atsaka po, may naoohan na rin kasi ako.  Hehe…  Maraming salamat po ulit!  Touched po ako!

Pangatlo, i-click nyo ito at dalawin nyo ang mga bagong listang baguhan sa ating Hellish Links, Heavenly Blogs.ü

Panglast, patawad po kung di ako nakakablog-hop.   May sinalihan kasi akong theological discussion group dito sa kabundukan tapos yung mga reading materials eh kailangang itranslate ko pa from French to English para lang maintindihan ko.  Syempre, ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.  Anim na documents ang lagi kong tina-translate every week.   Diba, easy lang.  Maning mani.  Parang gusto ko nang mamatay.

* * * * *

Isa sa mga pinaka-common na problema ng isang karaniwang Kristiyano tuwing siya’y dumadalo ng Holy Mass o ng Sunday Bible Service ay ang labanan ang antok.  Automatic yan na pag-upong pag-upo natin para sa First Reading eh parang nagbu-book na agad tayo ng flight papuntang dreamland.   Yung tipong sana di ka na nagpakahirap na maligo at magpaka-japorms:  Nagpajama ka na lang sana para mas komportable pa ang sleep-over mo sa simbahan.

Henywey, alam ko naman na may honest effort talaga ang marami sa atin upang labanan ang antok sa Misa.  Yung tipong isang oras na pakikipagbuno na wag mapikit o tumangu-tango na parang aso sa dashboard ng kotse ang ulo natin sa sobrang antok lalo na during the readings at homily ni Pads (yan ang tawag namin sa mga pari sa seminaryo).  Kaya naman, narito si Kuya Utoy ninyo upang magbahagi sa inyo ng mga tried and tested stay-awake-in-the-Church tips na tyak hindi itinuro sa inyo ni Miss Pacheco at ni Sr. Catherine sa Catechism at Christian Living Class.  Eto na.  Go. Continue reading

Sugar: not exactly a Valentine story

Una sa lahat, Panaderos, next post ko na susulatin ang tag-award.  pramis.

Pangalawa, welcome sa blogging world kila Chicksykat at Gardiniere

Pangatlo eh salamat kay Jhaynee at pagkalaki-laki ng pangalan ko sa post nya.ü  Touched naman ako.  Touch me more…ü

* * * * *

Di ko alam pero kapag may mga taong nalalaman na seminarista ako, hindi tungkol kay God o kay Jesus o kay Mama Mary ang tinatanong nila sa akin.  Ang una nilang tanong sa akin ay bakit hindi na lang ako nag-artista (buhay pa po kasi si Dick Israel)  at ang pangalawa eh bakit di na lang ako nag-asawa. 

Pumasok din naman sa isip ko ang pag-aasawa.  Na-inlababo din naman ako at nakapagpasagot ng girlfriend, kahit papaano.  Kaya lang eh para talagang lamok sa tenga ko ang tungkol sa pagpapari, bulong ng bulong, di ako pinapatulog at ayaw akong tantanan.  Continue reading

Ang Kapitagpitagang School Project ni Jhaynee (wakamakelam, blogkoto…)

May trangkaso ako so lumayo kayo sa akin at may sumpong ako.    Seryoso ako today.  Sa mga oras na ito, si Jhaynee lang ang ie-entertain ko. hmmm… entertain, parang kuya Germs lang.

you:  Sino namang Jhaynee yan ha?

Si Jhaynee  ay isang dalagang blogger na namamayagpag on-line mahigit isang taon na.   Madalas nyang topic ay tungkol sa pag-aaral, sa pakikipagrelasyon, sa personal nyang repleksyon at pilosopiya sa buhay.  In fact, ang last post niya ay isang napakasenswal at maimahen na tula tungkol sa… tambutso, with matching picture pa ng paso sa binti.  Siya ay isang estudyante ng UP Visayas College of Management na gustong gumawa ng bunggang bunggang project para mapansin naman siya ng crush nyang teacher na si Sir Ramirez.  Gusto nyang magreport tungkol sa makababalaghang daigdig ng blogging at naisipan niyang mambulahaw makiusap sa mga kapwa bloggers niya upang tulungan siya sa project na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa kanyang tatlong mahiwagang tanong.  (Dalawin nyo ito para mabasa nyo ang offer nya, may puppy eyes pa talaga.) 

Di ko kilala personal si Jhaynee, di ko pa sya nakita ng harapan o kahit pa-sideview lang, di nya ako ka-Plurk, ka-YM, ka-Twitter o ka-Friendster.  Di rin sya madalas sa blog ko (nagparinig ba daw) at ako rin sa kanya.  Kinagat ko ang offer nya dahil pakiramdam ko eh napakabait niyang bata lalo na nung nabasa ko ang post niyang ito.  (tadtad na ng link ang post na ito ah.)  Isa pa, kasi ang ganda nya sa Avatar nya.  Parang si Patani lang.

Kaya, Jhaynee, kung sino ka man, nasaan ka man, para sayo ang trangkasuhing post na ito.  Heto na ang mga sagot sa mahihiagang tanong…. Continue reading