Brother Utoy’s New Monicker: Mamang Mataba

Ang “bad trip” pala, sa byahe talaga nangyayari.

Netu-neto lang, nasa MRT ako galing sa Cubao.  Andaming tao, siksikan. 

Syempre, dahil masikip, hanggang dun lang si Kuya Utoy nyo sa may bandang pintuan ng MRT.

Dumating ang tren sa Ortigas.  May magsyotang pumasok.  Nauna yung lalaki tapos sumunod yung babae.  Tumayo silang nakatalikod sa harapan ko at narinig ko ang usapan nila.

Si Lalaki:  Ba’t ba ang bagal mong pumasok?  Muntik na tayong maiwan.

Si Babae:  Kasi naman, nakaharang yung mamang mataba.

Ako:  (napalinga bigla at narealize na walang ibang hebigatin sa paligid namin.  Nyemas, ako pala ang tinutukoy nyang mamang mataba.)

Hayyss, kailangan ko na talagang magpapayat.  Dati ang stranger’s first description (SFD) sa akin eh si “Tisoy” o kaya eh si “Pogi” o si “Angelic Face.”  (Wag kang mag-react.  Basa ka lang.)  Ngayon eh mas nao-overpower na nag waistline ko ang aking taglay na kagwapuhan.  I’m now officially known as “Mamang Mataba.”

Bad trip.

* * * * *

Kakatapos lang ng aming Formandi’s Big Day.  Ito yung araw kung saan nagsasama-sama ang mga seminarista ng aming orden sa ilang araw na pagbabasketball, volleyball at walang harbat na alaskahan at asaran tuwing cultural presentation at videoke nights.

Apat na grupo kami, each named after a saint.  Ang grupo ko eh Jean Marie Vianney.  Si John Marie Vianney ang sikat na Cure d’Ars at ang patron ng kaparian ng buong mundo.   For our cultural presentation, isinayaw ng mga kagrupo ko ang buhay ni St. John Vianney samantalang kinakanta ako ang eksenang kanilang iaakto.  60’s ang tema namin para madali ang choreo, tapos ang song ko eh in the tune of  “Round the Clock Tonight.”   We only had an hour to prepare.

Hayun, di kami nanalo.  Second lang kami.  Nanalo pa yung play na bastusan na nga ng santo ang dating, naputol pa sa gitna dahil nasira ang CD player namin.

Bad trip.

* * * * *

Eto nga pala ang lyrics ng presentation namin na nipaghirapan ko ring sulatin during merienda.

Chord Pattern : DGDADG, tapos 60’s rock and roll ang beat, tune of “Round the Clock Tonight.”

The John Marie Vianney Rock

Chorus:
John Marie Vianney, sya ay huwaran…
John Marie Vianney, ng kabanalan…
John Marie Vianney, ating tularan,
Sya si John… Marie… Vianney lamang!

May isang bata s’ating kwentuhan,
John Marie Vianney ang kanyang ngalan.
Sya’y tapat, banal, maaasahan,
Mabait at maraming kaibigan,
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam…

Dahil nga sa tawag ng kabanalan
Na ang simbahan’y kanyang paglingkuran,
Buhay pari, kanyang naisipan
Kaya’t seminaryo’y nais pasukan,
Kaya si John Marie Vianney, naging seminarian…

(repeat chorus)

Sa seminaryo, kanyang natuklasan
Ang pag-aaral ay may kahirapan.
Muntik nang bumagsak sa Philosophy,
Sya’y nangamote sa Theology,
Ang pag-aaral ay kalbaryo nyang tunay…

Ngunit si John Vianney, ating kaybigan,
Di sumusuko sa ganyang laban,
Pag-aaral ay pinagsikapan,
Kahit kamo sya’y nahihirapan.
Sige lang ng sige kahit magbagsakan….

(repeat chorus)

Itong si John Vianney, sadyang madasalin,
Hiniling kay God, sya’y papasahin.
Araw-araw sya’y nagrorosaryo,
Nakaluhod ang tuhod na puro kalyo,
Dasal nya’y sanay wag syang pauwiin…

Dumating na nga ang oral exam,
Ang ating bida, pinagpawisan,
Nguni’t himala, sya’y pasang awa,
Si John Vianney, tuwang tuwa,
Pagka’t pwede na syang ordinahan…

(repeat chorus)

Nang maging pari ang ating santo,
Sa bayan ng Ars sya nadestino.
Ito’y bayang maliit at sobrang ilang,
Ang mga tao’y walang pakialam,
Ngunit kay John Vianney, ito’y di hadlang…

Pagpunta sa Ars, sya ay nawala,
Kaya’t nagtanong sa isang bata.
Tanong ng paslit: “Anong kapalit?”
“Basta bayan ng Ars aking nasapit,
Ituturo ko ang daan tungong langit…”

(repeat chorus)

Ang bayan ng Ars, may natuklasan:
Sya ay matinik sa kumpisalan!
Nagsisialis ang mga demonyo
Sa bagsik at bangis ng kanyang payo,
Tumalikod ang Ars sa buhay-kasalanan…

Ang bayan ng Ars ay dinadayo
Para mag-confess sa ating santo,
Mahihirap man o mayayaman,
May kapangyarihan o karaniwan,
Tumanyag si Vianney sa kanyang kabanalan…

(repeat chorus)

Dyan nagtatapos ang ating kwento
Tungkol sa isang cool na santo,
Si John Marie Vianney, Patron ng Pari,
Pagkat kabanalan kanyang pinili,
Nawa ang diwa nya sa ati’y manatili….

(Coda)
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam!
Yeah!

* * * * *

Saka na lang ulit ng Stained Glass Windows.  God bless!

Da Daster Monologues

Ang totoo nyan eh kapag nag-aral ka sa loob ng seminaryo, talagang masusubukan ang creativity mo, lalo na sa larangan ng reporting.   Hahayaan mo bang maging boring ang report mo, lalo na’t conciliar documents at mga dogmas ang laman ng report mo?  Aba eh tutulugan ka lang ng puyat ng mga seminarista.  Isa pa eh di katalinuhan ang Brother Utoy nyo so, pagdating sa mga academic reports, ang di nya makuha sa content at relevance ay dinadaan na lang nya sa audience impact at stage presence.

Nariyang gumawa ng mga pamatay na powerpoint presentation na halos maghang ang laptop sa sobrang daming animations at video clips.

Nariyang magpa-gameshow ako na syempre, may sariling gameshow jingle pa para sa report ko on Temperance sa Virtues Class namin.

Nariyang sumulat ako ng mga courtroom drama na mga skit para sa report ko sa Old Testament I (Pentateuch and prophets).

Nariyang sumulat ako ng musical play sa ngalan ng Old Testament II.

Nariyang magpa-videoke ako pero syempre, iniba ko na yung lyrics ng kanta.  Kinakanta na nila ang report ko.

At ang latest: mag-monologue ng nakadaster habang sumasayaw ng Hagibis at apat na beses na sinasambit ang salitang “puke.”  Rights of Women ang report ko sa Matrimony class namin.  Si Monsi Vengco ang prof ko. 

Ang mga kasama ko, di patatalo:  creative din!   Nariyang mag-hire sila ng mga manghuhula sa Quiapo.  Nariyang magpatalkshow sila, kalakaladkad ang kanilang mga magulang at kapatid.  Nariyang mag-hold sila ng isang cooking lesson habang nagdidiscus ng isang dogma.  Nariyang maghold ng isang mini-concert (unplugged syempre),  etc, etc…

Ngayong nauubusan na ako ng creativity, siguro eh ang mga susunod na tricks ko, sa ngalan ng good grades ay:

  • kung group work, mag-aati-atihan kami, complete with uling and headdress at kalasag na gawa sa walis tambo
  • Magpa-russian roulette para may thrill
  • Magpatoma at magpa-ihaw-ihaw, para siguradong lively ang discussion
  • video conference with Pope Benny 16
  • iinvite si Mommy Dionisia as guest

Syempre, kung meron pa kayong maisa-suggest eh sige nga’t i-share nyo naman sakin.  Malay nyo, gamitin ko nga talaga sa report ko ang mga mungkahi nyo. hehehe…

* * * * *

Eto pala ang stained glass windo of the week natin!

IMG_6234

Dahil Rosary month na tayo bukas eh heto ang isang marian motif na stained glass window sa loob ng Notre Dame Cathedral sa may Ile de Paris, syempre sa syudad ng Paris, France.  Heto ang detalye ng central panel ng triphtich na ito:

IMG_6235

Ang stained glass ay modern take sa isang traditional Pieta scene.  Naalala ko, parang nagfeature na ako ako ng dalawang modern sa stained glass windows na Pieta rin ang tema, di ko lang maalala kung alin sa mga posts ko yun. 

* * * * *

Ngapala, pagdasal nyo naman ako’t finals exam na namin.  Medyo hirap si Utoy sa pag-aaral at medyo kalawangin na ang kukote. hehe…

God bless po!

Stained Glass Window of the Day: Raising Jairus’ Daughter

IMG_1412

Ang window na ito ay kuha ko sa loob ng Eglise de St. Louis sa gitna ng syudad ng Grenoble, Isere, France.  Moderno ang disenyo (1920s lang yata) at matitingkad ang kulay, very vivid ang scene na ito ng muling pagkabuhay ng anak na babae ni Jairus.

* * * * *

Toxic.  Andami kong papers na ginagawa, andaming exams, andaming reports.  Idagdag pa dyan itong Concert na gagawin namin sa October 16 sa Simbahan ng Sta. Cruz.  May ipe-present ang mga seminarians na mga pitong kanta (the rest eh puro mga pari na ang kakanta) at dahil ako ang music coordinator ng mga estudyante eh pinapaproblema sa akin ang lahat ng ito. Huh?  One month practice lang?  Para namang ganung kadaling kaladkarin sa practice ang mga hinayupak kong kasama sa seminaryo.  As of the moment eh isang song pa lang ang napapasada namin.  Hayz…  Mag-videoke na lang kaya kami?

Sa mga nais makapanood ng mga seminarians na nagkakalat: sa October 16 po ang concert na ito, sa Sta.Cruz Church, malapit sa Carriedo Station ng LRT 1.  Pinamagatan po itong “Alay-Awit:  A Night of Songs with Priests and Seminarians” featuring ang isang jologs na singing priest mula sa Cebu, at syempre, kaming mga tone deaf na seminarians, plus mga tatlo pang pari na naglakas loob kumanta dahil di-umano’y lagpas 90 ang score nila sa videoke.

May catch po:  500 pesoses ang ticket.  Ang mahal, ano? Kahit sarili kong ate, di ko mabentahan, sa sobrang hiya kong magbenta ng mamahaling ticket sa walang kakwenta-kwentang kanta namin on that day.  Hehehehe…

God bless!

Mga Pangunahing Dahilan Kung Bakit Baduy Pero Bumebenta ang Otcho-Ocho

Patalastas muna.  Salamat kay Reynz sa kanyang suporta sa isang online patimpalak.   Pasensya na, Kamahalan at overaged na pala ang blog ko.  Gayunpaman, touched pa rin ako’t nakabilang ako sa original list mo.  Tenkyu po!üüü

* * * * *

Tag ito.  Tag.  Ibig sabihin eh sarili ko na naman ang pag-uusapan dito sa post na ito.   Nyayksidudels…

Na-tag ako ni Heleinah (new spelling para cute) ng mga eight things.ü  Bakit eight at hindi ten, di ko alam. Siguro, natakot ang original na may pakana ng tag na ito na baka mapagod sa kakaisip ang mga future na mata-tag, medyo binabaan nya ang requirement.  8 things na lang instead of 10 things.  Hmmm… merciful!

Anyway, tama na ang dada.  Eto na ang Limang Eight Things About Me.  Continue reading

Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive? Continue reading

Sugar: not exactly a Valentine story

Una sa lahat, Panaderos, next post ko na susulatin ang tag-award.  pramis.

Pangalawa, welcome sa blogging world kila Chicksykat at Gardiniere

Pangatlo eh salamat kay Jhaynee at pagkalaki-laki ng pangalan ko sa post nya.ü  Touched naman ako.  Touch me more…ü

* * * * *

Di ko alam pero kapag may mga taong nalalaman na seminarista ako, hindi tungkol kay God o kay Jesus o kay Mama Mary ang tinatanong nila sa akin.  Ang una nilang tanong sa akin ay bakit hindi na lang ako nag-artista (buhay pa po kasi si Dick Israel)  at ang pangalawa eh bakit di na lang ako nag-asawa. 

Pumasok din naman sa isip ko ang pag-aasawa.  Na-inlababo din naman ako at nakapagpasagot ng girlfriend, kahit papaano.  Kaya lang eh para talagang lamok sa tenga ko ang tungkol sa pagpapari, bulong ng bulong, di ako pinapatulog at ayaw akong tantanan.  Continue reading

Seminarians Exposed!!!

Una, gusto kong ipaalam sa lahat na ang aking pormal-pormalang article sa website ng congregation namin ay available na in karay-a, tausug and ibanag version.  Basahin nyo naman.

Pangalawa, nandyan na ang Hellish Links, Heavenly Blogs.  Pakidalaw naman po yung mga nag-advertise doon.   As of the moment ay si Fatherlyours, si Joycee, ang tambalang Berto and Kiera, si Dedpish, si ELIment,  at si Enjoy  ang mga unang nagpost ng kanilang advertisement.  Masisiguro ko po sa inyo na may katuturan at may saysay ang mga blog nila, kasing useful lang ng pusod, tonsil at split ends sa buhay ng tao.  Uy, joke lang.  Dalawin nyo naman sila!

Pangatlo, naimbitahan akong mag-comment sa isang blog ng mga ex-seminarians pero medyo napahaba yata ang nasulat ko, kaya yun, ginawa nilang post.  Kung alam ko lang eh sana di ako nag-ingles.  Murder She Wrote kasi ang grammar ko. hehe…  Gayunpaman, salamat, mga kapatid na Exodians!

* * * * *

Isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay ng isang makabagong seminarian ang exposure at immersion.  Kung matatandaan ninyo ang makabagbag-damdaming multiply posts ni Tracy Isabel Borres ay tiyak na-encounter ninyo doon ang words na exposure at immersion, in a very coñotic way nga lang.  Ang totoo nyan eh isa ito sa pinaka-aabangang event ng isang seminarista:  Biruin mo, makikitira ka sa bahay ng isang pamilya, mamumuhay ka sa labas ng seminaryo, at malayo sa formator mo?  Hah!  Freedom, at last!  Pero wag ka, hindi isang simpleng fieldtrip o sleepover lang ang exposure.   Not for the faint-hearted, ika nga.  Una, sa iskwater ka talaga titira.  Pangalawa, bibigyan ka lang ng 500pesos ng formator mo para mabuhay ka ng 1 month doon.  Pangatlo, usually, incognito ka, di nila alam na seminarista ka . Ito eh para di kami bigyan ng special treatment ng foster parents namin.  Here are some case studies (may case studies talaga eh ano?) Continue reading