May trangkaso ako so lumayo kayo sa akin at may sumpong ako. Seryoso ako today. Sa mga oras na ito, si Jhaynee lang ang ie-entertain ko. hmmm… entertain, parang kuya Germs lang.
you: Sino namang Jhaynee yan ha?
Si Jhaynee ay isang dalagang blogger na namamayagpag on-line mahigit isang taon na. Madalas nyang topic ay tungkol sa pag-aaral, sa pakikipagrelasyon, sa personal nyang repleksyon at pilosopiya sa buhay. In fact, ang last post niya ay isang napakasenswal at maimahen na tula tungkol sa… tambutso, with matching picture pa ng paso sa binti. Siya ay isang estudyante ng UP Visayas College of Management na gustong gumawa ng bunggang bunggang project para mapansin naman siya ng crush nyang teacher na si Sir Ramirez. Gusto nyang magreport tungkol sa makababalaghang daigdig ng blogging at naisipan niyang mambulahaw makiusap sa mga kapwa bloggers niya upang tulungan siya sa project na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa kanyang tatlong mahiwagang tanong. (Dalawin nyo ito para mabasa nyo ang offer nya, may puppy eyes pa talaga.)
Di ko kilala personal si Jhaynee, di ko pa sya nakita ng harapan o kahit pa-sideview lang, di nya ako ka-Plurk, ka-YM, ka-Twitter o ka-Friendster. Di rin sya madalas sa blog ko (nagparinig ba daw) at ako rin sa kanya. Kinagat ko ang offer nya dahil pakiramdam ko eh napakabait niyang bata lalo na nung nabasa ko ang post niyang ito. (tadtad na ng link ang post na ito ah.) Isa pa, kasi ang ganda nya sa Avatar nya. Parang si Patani lang.
Kaya, Jhaynee, kung sino ka man, nasaan ka man, para sayo ang trangkasuhing post na ito. Heto na ang mga sagot sa mahihiagang tanong….
Unang mahiwagang tanong: Bakit ka nagba-blog?
Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagsimulang mag-blog eh kasalanan ni Bluep na-engganyo ako sa idea na ang sinusulat ko eh binabasa ng iba. Madalas na talaga akong magsulat, ang iba nga’y nailathala na. Subalit, kakaiba ang mararanasan mo kapag nakita mo ang sinulat mo na nasa Web at binabasa ng lima, sampu, tatlumpung taong di mo naman kilala. Doble ang saya kapag nag-iwan sila ng kumento. Triple ang saya kapag positibo at medyo mabola ang iniwan nilang kumento. Kwatruple (o, alam nyo yan?) ang saya kung dahil sa sinulat mong iyon eh nangako silang babalik sila sa blog mo para magbasa ulit. Singkatuple (todo na ito, tayms payb!) ang saya kung gagawa pa sila ng link sa blog nila upang ipangalandakan sa ibang reader na maganda ang sinulat mo. Sa tingin mo ba’y makakamit mo ang parehong resulta kung magpiprintout ka lang ng article mo, halimbawa eh tungkol sa buhay-callcenter o sa inauguration ni Obama o sa pagkadiri mo sa Twilight, tapos tatayo ka sa harap ng Isettan Recto para ipamudmod ang article mo sa iba? Siguro, posibleng magtagumpay ka kung sadyang makapal ka at may angking cleavage at ganda, pero kung wala naman eh mag-blog ka na lang, hija.
Pangalawang dahilan: may gusto akong ikwento, may gusto akong sabihin, pero hindi ko alam kung kanino ko ikukwento, di ko alam kung anong oras ako hihirit at sinong aabalahin ko para makinig sa akin. Sa mundo ng internet, meron at merong tao dyan na willing maglaan ng oras at panahon niya upang basahin ang niloloob mo sa buhay. Pero syempre, fickle ang internet reader, dapat medyo husayin mo rin ang pagsusulat. Ang mahusay na writer, kahit magsulat ng tungkol sa dumi ng kuko sa paa, may magbabasa at magbabasa. Pero kung pakiramdam mong walang masyadong papatus sa post mo tungkol sa dumi sa kuko, stick to topics kung saan meron kang expertise, like buhay-estudyante o pang-ookray ng pelikula ng Star Cinema. Gayunpaman, naniniwala akong ang pangunahing gamit ng blog ay ang mang-aliw at maglahad ng kwento. Pangalawa pa lang ang mag-inform at magturo. Ito’y dahil mas maraming kwentista’t komikero kesa sa eksperto sa loob ng blogosperyo. Kaya naman kapag may nae-encounter akong blog na may tunay na expertise na medyo technical tulad ng cellphone repair, online games, stock exchange, pamumulitika, advertising at iba pa, medyo ilag ako. Kasi di naman ako isang experto, isa lamang akong kwentista’t komikero.
Pangatlo: Bilang isang seminarista eh hanggang leeg na ako sa pagsusulat tungkol sa theology, faith, piety, etc… Ginusto kong mag-blog para maiba naman ang topic ko, para mailabas ko naman ang kayamanan ng pagkatao ko. Nagblog ako para maipakita ko rin sa ibang tao na ang seminarista, tao rin tulad ng sinoman, may sumpong din, nag-aalala rin at namumurublema kung minsan, marunong ding mang-asar at maki-jamming, meron ding kaengotan at kajologan, marunong tawanan ang sarili at ang iba, higit sa lahat eh pwedeng pwedeng malapitan at mahalikan maging kaibigan.
Pangalawang mahiwagang tanong: Ano ba ang benefits na nakukuha mo from blogging?
Nakwento ko na yata. Pero sige, magdadagdag pa ako. Dito ko nakita ang personalidad ko bilang manunulat. Sampung buwan pa lang ako sa mundo ng blogging pero masasabi kong napakalaki ng naitulong sa akin ng blogging para mas mapalawak ko ang sarili ko. Totoo naman na walang redeeming value ang mga posts ko about Majorette at mga Batibot Babes, pero nakita ko na nahasa ang aking konting alam sa pagsusulat dahil syempre, sa blogging, mapipilitan kang magsulat.
Pangalawa, parang diary na rin ito, mas organized nga lang. Kapag gusto kong balikan ng isang blogger ang nakaraan, magbubukas lang sya ng archive, at presto, hayun na’t naka-file ng maayos, with matching pictures, gifs, soundtrack at Youtube video pa.
Pangatlo, nagkaroon ako ng kaibigan, kakilala, kaharutan at kadebatehan sa internet. Aba, akalain ko bang may magbabasa ng mga sinusulat ko? Ang iba nga lang eh one-comment reader lang. Yung tipong mag-iiwan ng comment tulad ng:
“aw. thanks for this post. so informative :)”
tapos eh hindi na babalik magpakailanpaman, magpasawalanghanggan, amen. Pero meron din namang hataw sa comment na tinalo pa ang post ko sa haba. Dito, sobrang ikinatutuwa ko ito. Parang ito ang pay-off ng lahat ng posts ko, grammatically correct man o hindi. Parang I want to discuss my article with this person over a glass of carragenan-tapioca caramel chiller and a plate of petites boules de poisson frit en sauce pimentée. (Wag kang mataranta, sago-gulaman lang yan at pisbol.)
Pangatlong mahiwagang tanong: May masama bang epekto ang blogging sa isang tao?
Aaminin ko, meron. Malululong ka na parang adik. Sa tanang buhay ko, ngayon lang nagyari sa akin na habang nagbibihis ako sa umaga eh nag-aaprove ako ng comments sa blog, habang naglilista ako ng bibilhin ko sa supermarket o nagtatrabaho sa parokya eh nagba-bloghop ako, habang nagluluto ako sa hapon eh nag-eedit ng post, at ang huling action ko sa gabi (o mas madalas, madaling araw) bago ipikit ang mga mata ko ay ang maglog-out sa WordPress. May mga araw, sa daily one-hour adoration namin before the Blessed Sacrament, ang naglalaro sa isip ko eh hindi ang kaluwalhatian ng Diyos, ni ang hiwaga ng Eukaristiya o ang kaligtasan ng mga kaluluwa sa purgartoryo kundi kung ano ba magandang i-post ngayong linggong ito, Lord? Buti naman at maunawain si Lord, iniinspire pa rin ako. Syempre, hindi adik ang tawag sa mga taong tulad ko. Rather, we simply respond to the universal monicker we all know so well: Blogger.
Nagrequest nga pala si Jhaynee ng isang greetings. Talaga naman, Jhaynee, may batian portion pa? Sige, eto ang greetings ko sa kanila:
Inaanyayahan ko po ang UPV CM BATCHOY pati na si Sir Ramirez, lalo na yung mga laman dyan ng mga internet cafe at mga coffeeshop na may WiFi na laging dumalaw at magcomment sa blog ni Jhaynee. Dalawin nyo na rin ang blog ko para masaya. Isa pa, kung sisiw lang sa inyo ang puyat, gutom at sama ng loob eh ano pang hinihintay ninyo? Sumali na sa masalimoot ngunit kabighabighaning daigdig ng blogging! Tandaan, baduy na ang Friendster. Multiply na ang uso ngayon! God bless!
* * * * *
Jhaynee, balitaan mo ako kung anong grade ang ibinigay sayo ni Sir Ramirez ha. Kapag mas mababa sa 1.5, magrally tayo sa blog.
* * * * *
At syempre ang ating stainglass windows of the day.
Technically, hindi sila mga windows kundi mga stain glass wall panels. At ang nakakagulat eh hindi sila sa isang simbahan ko natagpuan kundi sa loob mismo ng Aeroport de St. Exupery sa Lyons. Mero kasing isang ecumenical corner ang paliparan na ito kung saan ang mga pasahero papuntang Tutuban ay maaaring manalangin at mag-emote-emote nang hindi pakalat-kalat sa departure area. Bale may corner para sa muslim (ang booth nila, room na may carpet, tapos yun na yun), sa evangelical christians (maraming maliliit na comics tungkol sa impyerno, pagdurusa at sa huling paghuhukom ng Diyos) at sa mga Catholics and Protestants (magkasama sila sa iisang room, parang bedspacers lang). May shrine din para sa mga taong sinasamba ang Internet araw at gabi. Doon eh biniyayaan sila ng free internet access for 10 minutes. At Halelluia, anghaba ng pila ng mga mananampalataya! Madarama mong wari’y umaawit ang puso nila ng “Alive, alive, alive forevermore!” sa kagalakan. Malaki ang hinala kong mga bloggers sila. Hmmph, mga adik!
God bless!
Filed under: outside religion | Tagged: apostolate, community, fun, gimmick, kadramahan, personal, photography, popular religiosity, prayer, Religion, scandal, travel |
swerte naman si jhaynee.ganda ng billing sa blog.haha.btw,buti may time ka pa gumawa ng blog brotherutoy?
utoy… isa kang seminaristang hulog ng langit sa magulo kong buhay!!!! salamat talaga…
dahil talaga dito ay namamahal na kita lalo…
woooooooooooooooo!!!
hehehe.. natouch ako ng bonggang bongga..
salamat…
Aba, ang bait talga!! Swerte mo Jhaynee, kapag naman mababa ang nakuha mong grade kakatusan ko prof mo, hehehe..
Ako din may mga sagot sa mga mahiwagang tanong na yan, wish ko lang maipost, hehehe..
Muntik ng tumulo dugo sa ilong ko sa sago’t gulaman na yan, buti nlng may babala na kasunod.. hehehe…
Godbless!
ok din ang ecumenical corner ha, halo halo ang sambahan…pati yung sumasamba sa net meron din? malas nga lang kase 10 mins lang..hehehehe
utoy, di talaga lumalabas ang link sa mga comment ko… pft!
bakit nga ba ako nag blog?? nabigo sa pag ibig..hahahahaha
oist bakit naman nag susuplado ka ngayon…mag memenopos ka na ba?
nasagot ko na to pero di ko alam kung counted ba iyon dahil nasa office ako at sinusubukan kong wag mahuli! wahahha! konti lang ang tinatamaan ng adiction sa pagblo blog so be proud of it! ^^
Kapatid, paid blogging na ba ito? 🙂 Hehehe…
Tama ka, BLOGGERS tayo, hindi adik…
Natawa ako dun sa content ng room ng evangelicals ah – the end of time ang theme… Dun naman sa Protestants and Catholics, bedspace – para ba yun sa mga mahilig matulog during sermons? 🙂
1st entry q sa previous blog was dated dec 2004 sa wordpress naman jan 16/17 ata 2008 ^_^ at nakakadik talaga ^_^ Get well soon!!!
“aw. thanks for this post. so informative 🙂 “ eh kuya baka spam naman ang nagiwan nyan hahaha.
Anyway, correctibles lahat ng sinabi mo akala ko ako lang nakaka-feel ng ganon (o si joyce) yun bang tipong tumatawid ka sa kalsada tapos tumatakbo ang isip mo tungkol sa latest post ni ganito, sa revelation ni ganyan, sa koment ni neytan na inaabangan ko parate para mabara! anong audio lalagay mo sa latest post mo, pano mo aayusin yung blog ni boy 1 at girl 2. Ayoko rin ma-tag na adik pero parang yun na rin yun! Lahat daw ng sobra masama…may diet pill ba para sa blogging?!
“tapos tatayo ka sa harap ng Isettan Recto para ipamudmod ang article mo sa iba? Siguro, posibleng magtagumpay ka kung sadyang makapal ka at may angking cleavage at ganda, pero kung wala naman eh mag-blog ka na lang, hija. ” – awww, i’m hurted ah! kaya nagblog na lang ako kulang kasi kapal ng mukha ko lolz.
Ang sungit mo ngayon?!! Hmp
PS: parang gusto ko magpalagay ng mga stain glass wall panels pag nagkaron ako ng bahay. mahal ba yan. oo? wag na lang.
nakaka-adik talaga magblog. parang ang dami mong gustong isulat, ang dami mong gustong ikwento.
multiply ba ang uso? di ba facebook? mag-facebook ka na bro utoy!
masarap naman talaga mag blog. nakakaadik nga talaga. lol btw bro napansin ko ngang parang kakaiba ang stained glass window natin. actually parang ornamental lang dating sakin. anyhow maganda pa din at makulay as usual.
woi kapatid, beket ke nemen sompong mode?
naku nek wik, ‘pag humahataw na ang final exams ko… baka suplado na rin ako… katakot!
bumirada na naman si utoy! gleng gleng. woi, ‘pag natuloy ang free gala mo sa iloilo with jhaynee, sama mo naman ako. para may photographer kami. toinks! [HI JHAYNEE!]
korek ka! hindi tayo ADIK! hindi!
we are just PASSIONATE BLOGGERS {naks tambtaks!}
* singkatuple — may pauso ka naman ha.
* kailangan talaga isingit ang dumi sa kuko sa papa — eeeww yaya eeewww!
* woi, super laos naman neto… facebook na ang uso. gawa na kasi ng account!
* internet shrine — panalo!
* antok na ako… ayoko na mang-okray!
{copy-paste mode muna}
“Nagblog ako para maipakita ko rin sa ibang tao na ang seminarista, tao rin tulad ng sinoman, may sumpong din, nag-aalala rin at namumurublema kung minsan, marunong ding mang-asar at maki-jamming, meron ding kaengotan at kajologan, marunong tawanan ang sarili at ang iba, higit sa lahat eh pwedeng pwedeng malapitan at
mahalikanmaging kaibigan.”— I THIRD THE MOTION!!!
MAGPAGALING KAPATID!
sandali lang.
hindi mo siya ka-plurk?
IBIG SABIHIN MAY PLURK KA?
nakakapagtampo na hindi ko alam. hmp..
hmp. sige na nga. bati pa rin kita.
*baka padalhan ako ng kidlat at kulog ni papa God.*
add kita sa plurk ah.
@UM — walang plurk si utoy!
Pagaling ka brother, bawal magkasakit! hehehe…
daan lang ulit kuya…di ko mapigil. salamat sa mga sinabi mo sa min ni joycee. nahipuan mo na naman ako..bait mo ha nakakarami na kayo ni rev! You’re a blessing to us talaga.
pagaling ka na! Labyu too kuya. *mwah*
PS: the only guy {meron din kasing girls toinks!} na naging boyfriend ko is a “capricorn” and that explains kung bakit close tayo haha! at kras ko rin pala mga may “goatee”
revsiopao: aba! aba! heleyna, dapa! {hmm teka magpatubo kaya ko ng goatee}
lolz
brother may nararamdaman akong something.. you know.. alam mo na kaya ibig ko sabihin? hehehe.. uuuiiii.. *sabay kantyaw* hahaha.. apir! ayos lang yan..
sali ka pala samin sa forum
http://painuminmoko.suddenlaunch3.com/
para masarap ang inuman at usapan.. hehehe..
ang haba. nawala ako ng ulirat! pag gising ko nandito nako sa LEAVE A REPLY box. ahaha! basta ang natandaan ko may mga pira pirasong salamin! makulay maganda! para lang syang pintuan! ^^
MUSTA na brotherutoy! hindi lang pala stained glass ng mga holy people ang tinitira mo ha! basta pala kahit anong stainedglass pasok sa panlasa mo coolness ka talaga!
Hindi emo mode, sumpong mode naman! Nyehehe Hala… ‘barack’ ilag!
Hays… Kakadugo ang sago-gulaman at pisbol, tissue on d side!
Bro utoy, naisip ko nga rin minsan kung nakakafocus pa ba kayo nila rev pagkausap nyo na si Lord, eh super star kayo ng blogosphere parang laging may mall show at autograph signing! Hays… Natawa nga me minsan dun sa blog ni rev instead n amen.. Tag at widgets ang muntik sabihin! Hehe
Eh.. Walang okray ngyn! Takot ko lang! Ahihi
Get well po!
@j-nee: gudluck s project.
ayoko pong magcomment sabi mo po kase may sumpong ka eh..
balik na lang po uli ako…
and get well soon…
napadaan lang po^ ^
nakaka aliw na naman ang mga sinulat mo dito sa post na ito…pramis bro. utoy babalik ako 🙂
Kaswerte namang Jaynee ere at napagbigyan ni kapatid na Utoy! Pst ,pagaling ka at bawal ang magkasakit ang kawal ng dyos. Kailangan ka ng parokya mo dyan sa france.
Bro., ang kuya ay pinag-aaral ulit ng SVD ngayon, taking up hospital admin sa U.P manila ksi magbubukas sila ng hospital sa tagbilaran. He is in manila now and staying sa catholic trade(Tayuman). Bakit uwi ka na bang pinas? Surely, magkakasundo kayo nun sa kalokohan, toinks! Gagawin kang model nun sa toothbrush, ahihihi! (He is a dentist).
Kung nasa pinas ka na magparamdam ka na lang para treat namin ipin mo este treat ka namin sa labas (inggit ako sa ngipin mo, ang ganda!),hehehe!
@ Jhaynee: gudlack pala at sana nabigyan ng justice ang mga tanong mo ng isang gwapo, sincere, lovable, at God-fearing na Utoy! ….
King: manang, dagdagan nyo pa nga ang cough syrup ko kasi di ko maramdaman ang hallucination ngayon.
Manang: kape ka muna para nervyosin ka sa mga pinagsasabi mo!
Nway, leche flan lang katapat nito kapatid!
brother utoy travels business class! tutyal!
Una sa lahat kamusta na kyo? we hope magaling na po kyo. 🙂
nabasa ko narin po mga ibang koment at un din po ang masasabi ko napakabait nyo po :D.
Subukan ko rin po makahabol sa mga req. ni Jaynee. 🙂
hello po..kakadaan lang po…hindi ako mangangako na dadaan ulit pero pwede ba kita malink? hehehe…uuyyy..sa UP Visayas pala si jaynee… pag pumunta ka sa Iloilo pasabi kayo ito-tour ko kayo..hehehe…(sana makauwi ako pag punta nyo..)
Godbless!
Hindi ko problema to, problema to ni God aktwali – kung saan ka ilalagay sa dami ng ipinagkaloob sa yo. syugurado, hindi ka pang-bedspacer lang to use your term. madalas daw kasi, ang mga multitalented, medyo halo-halo din ang takbo ng utak at imahinasyon. pero bro, maliban sa formation ang bagsak mo – ikaw ang papalit kay Fr. Reuter, SJ sa religious theater at sa ayaw mo man o sa gusto, paghalu-haluin mo ang theology, philosophy, blogging, pagiging komikero, manunulat, makata, artistahin, kwentista, lenggwista, guro, pari, foodie, stage actor, singer, make-up artist (sori, napaisip din ako dito, meri christmas no malice) sa entablado. Hmmm, mag-feng shui biznes kaya ako…
Dahil chemist din ang itay, napaisip bigla ako kung saan ilalagay ang table of elements. Papa God, ikaw na bahala, gamitin mo pa ng gamitin hanggang mawala yung kanyang pagkamahiyain, toinks!
Pag nasa stage ka na kahalubilo sina Irma Adlawan at Pen Medina, alalahanin mo na lang ako sa yong kaharian, toinks!
saya nga sa blog kasi may mga feedbacks kaagad. whether positive or negative it helps you to improve what you’re doing.
wala pa po ko blog…
pakalat kalat nga lang po ko dito sa blogsphere
pacomment comment lang at nagpifeeling close sa mga blogista…heheheh
pero naiingganyo na rin po akong gumawa dahil sa mga sumusunod:
mamaru
bonifacio
revsiopao
bro.utoy
natutuwa po kase akong basahin mga blogs nyo eh.
kakainspayrd^ ^
Wow grabeh nobela ito Kuya Utoy! Teka kakauwi ko lang from work eh. Didibdibin ko itong basahin pagkatapos kong magbihis at makapagpahinga.
Ang ganda ng stained glass grabeh!
@ CHICKSYKAT – salamat naman at na-extra ako sa listahan ng iyong mga fave blog which you find inspiring. i’m humbled.
UTOY, magaling ka na? I hope.
o sige i bilibs you na. ang galing rin ng attorney sprongklong mong si rev siopao eh.
magaling ka na ba? chicken soup for the soul. 🙂
hello po… ayan na nabigay ko na salamat ha? hehehe
saya nang buhay sa semenaryo no? dami din akong friend sa loob..hahaha(parang bilangguan ah? LOOB)
but well as i’ve said kay rev, tito ko priest din ang KULIT sobra…pero mukha nya seryoso masyado..hehehe..pero pagbumuka na ang MOUTH hehehe naku….hehehe sana hindi nya mabasa to..hahaha
to na po…. http://bojoy2001.wordpress.com
Togoinks. Dinugo ang ilong ko sa kahabaan ng post pero pati mga comments mahaba rin. Inisa-isa ko pa rin. ^_^
Tawa ako ng tawa sa post mo. Promise. Siguro baliw lang talaga ako. Natawa ako dun sa “kundi kung ano ba magandang i-post ngayong linggong ito, Lord?” Hahah.. Sarap talaga magbasa ng mga ganitong funny blogs. Nakakawala ng problema eh. Wala pa ako sa ganitong level ng blogging kaya siguro dapat mag-endulge ng mabuti.
Parang ako yata yung tinutukoy mo sa “sa pagkadiri mo sa Twilight?” Hahah.. Tsaka mejo tumagos sa puso ko yung “hataw sa comment na tinalo pa ang post ko sa haba.” Huhu.. Sana hindi ako yun! Di naman masyado di vah?
Kaka-delete ko lang ng Facebook account ko. Marami kasing di kaaya-aya run (post in the making) kaya Multiply na lang tayo. ^_^
Aww! MY perspektib crashed down so i transferred my url to http://marlonofmanila.blogspot.com, pls update my url in your roll!
*nahihiya ako magcomment baka sungitan ako may sumpong pala*
totoo ang mga sinabi mo jan kuya! tunay ngang nakakaadik ang blogging, my sister would say, “that’s such a waste of time!” but I guess they’d never understand the pros of blogging, most expecially when you meet kind-hearted bloggers who make your life colorful. for me, that’s the essence of blogging.
sabi nga eh no blog is an island. when one blogger has a request or wateber, sigurado there will be another blogger who’ll help him/her out.
wuuu thanks for this post kuya, so informative. wahahaha.
ps
salamat po sa comment niyo sa guest post ko sa blog ni neto. natats ako pramis.
pagaling ka po. *mwahugs
Very addictive talaga ang blogging. Kaka-one year ko pa lang din pero it has been a very enriching experience. I’ve “met” quite a number of people like you online and learned a lot from their posts. Talagang palitan ng kuwento, karanasan (kung anuman iyon hehehe) at kaalaman ang nangyayari and that’s what I love most about it. Ang maganda rin sa blogging e I get to meet people of different backgrounds and interests.
I learn a lot from other bloggers and I hope they and my other readers also get to learn something from my posts. Although my blog is a personal one, I hope that it contributes something positive to the blogosphere.
Ingat! 🙂
naku naman! trangkaso at sumpong mode. what a combo! lols. kaya medyo natagalan kang magupdate kuya utoy. at sangkatutak na tanong pala ang bumulaga sa iyong pagbabalik. hehe. very well said. parang pang Ginoong Pilipinas lang ang mga sagot eh. hehe. buti na lang di ako natanong ni jhaynee. lols.
napadaan mula sa disyerto ng dubai, wala pa palang update.. 😉
blag hap en awey!
salamat nga pala sa pag add bro…salamat sa pag dalaw..sinagot ko na din yong tanong mo kung san ko nakuha yung pic sa header…mom ko po kumuha nun…hehehe…
pasensya na may isa pa pala akong blog pero syempre hindi ko pa masyado naaayos…hehehe
si tito father wala kasing masyadong time dito hehehe…masyadong busy sa town na pinagsisilbihan nya…
ito nalang pinakakaabalahan ko kaya hayan dalawa na…
ito oh…http://maryjoy2008.wordpress.com
nakakatuwang paglalarawan ng airport… unique as ever.
pagaling idol. LOL
[yas]
Ang gaganda naman…
ako mag-one year this feb sa blogging world. very addicting ito! at madami akong nadiscover. ang lufet ng mga mahiwagang tanong! ang malufet din ang mga stainglasses window mo!
mabuhay ka!
anu ung kapitagpitagan? haha!
anyway, asteeg. 😀
sana ako din magkarun ng promotion sa blog nyo. haha. gusto ko maging celebrity.kahit sa berdey ko lang *ehem*
shoot! this wednesday na pala. un. haha!!!
xD
but waiT! plurker ka pala. haha! wla lang 😀
xD
tawa ako ng tawa sa post na to! ewan ko ba! kahit di ko dala ang salamin ko tonight pinipilit ko pa ring basahin ang post mo! sempre! malakas ka sa akin eh! hehehhhe
natawa ako sa mga nakapilang bloggers! malamang mas marami pa sila keysa pumapasok sa mga chapels at prayer rooms! are you one of them? hehehhe
i love the stainglass panels!
oo tama ka sa mga sinabi mo ginoo. ang galing mong magsulat, parang wala na nga space para sa comment ko.
blogging is the best way to show (tagalog na nga lang) para masabi mo ang hindi mo masabi… toinkz
kanya kanyang pamamaraan, kanya kanyang kuru-kuro..
ingatz jan lage
i’ve been blogging for 6 months now and i find it really cool and fun. way better than any socializing network if ask me 🙂
i love the stain-glass art 🙂 really haunting…
—
get well soon mate and have a safe trip to Normandy! mukhang malamig dun ah…hehe!
God bless you too.
ay kapatid, winnur ang blog mo! ^_^
masayang baklahin ang ingles… ang sarap balahurain!
nabasa ko ang komento mo sa blog ni sir butch. at winnur ka!
in all furnez!!! musta na u? ^_^
Musta ka na brother?
Baet mo talaga, brother Utoy. (Di ka kaya lumagpas sa langit nyan?) Anyway, i-hi at hello mo na lang ako kay Jhaynee. (Ramdam ko kasi na close na kayo). Hehehe
Natawa ako sa latter part lalo na dun sa “Malaki ang hinala kong mga bloggers sila.”
brader! brader! brader! brader! meron aq student malapit sa la mure nkatira tsaka work ^_^ nasa ponsonnas xa nkatira tpos sa st. honore xa work sa isang factory dun… hewan ko lang kung tama ba eshpeling ko! magaling ka na ba? get well soonest ^_^
Ikukumpisal ko ke Bro. Utoy kung bakit talaga ako nagblo-blog. pero for his ears lang yun 🙂
Agree ako sa yo bro. utoy. Me masamang naidudulot ang blog, nakakaadik. Pero at least sa blog na ako adik at hindi sa kung anu-anong MMORPG. Hindi naman tinatalikuran ko na ang MMORPG ko, pero sa tamang panahon siguro magbabalik ako pero nde ko iiwanan itong blogging, para lang additonal blogging topics. Ika nga nila e blog about your passion, passion ko pa rin kase yun (kaya pasundot-sundot-DOTA pa rin ako)
Bro. Utoy off topic, Dyan ba sa Grenoble eh gumagamit ka rin ng tabo (water dipper) sa CR? Kse sa Australia daw bawal yun? 😛
Comment-blog baiting lang po ng last post ko
Kainis pag nakalogin ako sa blog ko automatic pumapasok sa blog mo Bro. Utoy, tapos walang link sa name ko.
Newbie me 🙂
nakakaaliw ka talagang sumagot ng mga questions utoy…kaya favorite ko rin itong blog mo eh! keep it up!
teka, ako ba puede ring magtanong sa iyo? 🙂
Ang dami namang comment. Hirap basahin lahat. mauubos time ko sa computeran. Buti na lang walang bayad dito sa bahay namin. hind na ako dadagdag sa comment baka humaba lao. Pero last na brother utoy. Hanggang dito na lang ang comment ko at puntahan ko na yang sinasabi mong blog. Salamat pala at baka malimutan kita pasalamatan at humaba pa itong maigsing comment ko. Babu! na talaga ha. Bye na.
WOW! Salamat naman poh at na appreciate nyo ang blog ko.Di ko naiispi yan ah..Bsta lagay ng lagay lang poh ako ng mga widgetd…Mga pala muti lang yon sa akin…Hehehe… Di naman kasi ako ngkakapera tulad ng sa iba…
Maraming Salamat din poh sa papuri sa poem ko…MEron pa ako madami niyan…Di pa time na ilabas ko…Hehhe…
Sa Bugac Maa poh ang sa amin..
Hmmm…..Assumption Parish?
Ano year poh yon?
Masarap talaga ang mangooesteen…Hehehe…
Balik kayo ulit dito sa Davao,para makakain kayo… ^_^
God Bless Us All poh…. ^_^
Kapatid, nakaktuwa naman at natulungan mo si Jahynee.
Iba-iba talaga tayong lahat sa mga rason kung bakit tayo nag umpisa mag-blog. Ngunit, marami ding similarities… isa na doon eh may pagka KSP ata ang mga bloggers… laging naghahanap ng audience.
Ang blog ko eh nag umpisa dahil gusto kong malaman ng aking mga kamag anak kung ano ang nangyayari sa akin dito sa Middle East… nang yari lang eh parang hindi naman pala sila interesado… mas madalas pa dumaan ang ibang tao sa blog ko kasi sa aking kamag anak…hehehe… minsan naman eh kami lang ni Pinky ang nag ko-comment sa isa’t-isa…hehehe!
check ur email para malaman kung pano makakapunta sa blog ko 😀 ung email na binigay nyo sa akin,ah. broutoy[at]yahoo.com diba?
xD
Galing ng blog nang pamangkin mo.
Ang lupit…
Daan lang poh…
dear bruder salamat sa pagdalaw…..thank u @ di mo tinanggal sa iyong listahan.., as per ur Q, sinadya ko talaga na ilagay sa Jan ang Feb finished post ko para magkaron iyon ng entry kahit isa…sana po ay nasagot ko ang iyong katanungan…
hanggan sa susunod dear bruder…:)
ps: pls pray for me, for us OFW here in UAE..THANK U.