Miss ko na ang pamumundok namin ni Brigitte.
Last November pa ang huling akyat namin. Sa mga panahong ito eh madalas na akong tinutukso ng mga kasama ko sa bahay dahil every now and then eh dinadalhan kami ni Brigitte ng mga pastries.
Dati naman daw eh hindi ganun ang ating dakilang panadera. Sa isip-isip ko lang eh pakialam ko. Basta may steady supply ako ng éclair, diplomate, madelaine, tartlette, meringue, charlotte at mille feuille eh wala akong dapat ikahiya. Sapagkat ang kapalit naman noon ay ang pagsusumikap kong maihatid si Brigitte sa rurok… ng mga kabundukan.
Minsan, on a byutipul sunny Sunday afternoon, tinopak ulit kami ni Great Panadera na muling magpakasakit at umakyat ng bundok. Kung bakit Senepi ang pangalan ng lugar, di ko rin alam. Kayo na lang ang mag-Google. Basta ang alam ko eh may taas siyang 1770 meters, medyo mas mababa sa Lac Charlet pero mas nakakapagod kasi magsisimula kaming akyatin siya mula sa paanan ng bundok. In short, Kalbaryo in flesh, mas mahabang lakarin. Ang Senepi ay maituturing na alpage, o sa simpleng salita, pastulan ng kambing at baka.
Ang terrain niya ay medyo hawig ng terrain ng La Salette: di gaanong treacherous, madamo at bibihira ang mga puno sa paligid. Katunayan, hindi trail ang dinaanan namin kundi rough road ng 4×4 na gamit ng mga pastol. Yup, ang mga sosyal nating SUV sa Maynila ay gamit lang nila dito sa pagpapastol ng baka. Pero wag ka, mas sosyal ang mga kotse natin sa Pinas kesa dito. Dito, isang dipa lang ang kotse.
Uneventful ang aming mountaineering kunyari-kunyarian. Kwentuhan dito, hingal doon, tawa-tawa dito, gapang-gapang doon, discussion about God and religion dito, gulong-gulong sa damuhan doon. Nagiging exciting lang ang lahat dahil maraming cow pies sa paligid…
.
.
.
{{*tunog ng kuliglig*}}
.
Ano?!!! Cow pies lang, di mo pa alam?!!! Hayaan mo, dadalhan kita pag-uwi ko. Ilan ang gusto mo? Medyo tuyo na nga lang, pero at least you’ll get the idea. Christmas gift ko na rin yan para sayo.
As useless, gusto ko lang talaga kayong inggitin dahil grabe, ang ganda ng view. Parang postcard. Sakto namang low-batt ang aking not-so-ever-trusty camera kaya hayan at madilim ang kalitratuhan. Buti’t nalitratuhan ko bago pa yan takpan ng yelo. Gayunpaman, I still sincerely hope and pray na mamatay pa rin kayo sa inggit sa aking sky-rockets-in-flight afternoon delight na pamumundok. God bless!
.
.
.
At syempre pa, ang pinakaaabangan ng tatlong bloggers lang yata, ang aking clickable na stainglass window of the day!
Ang mga bintanang ito ay nalitratuhan ko during my pilgrimage sa Sanctuaire de Notre Dame de l’Osier. Ang shrine na ito kasi ay ang simbahang pinili ng aming Founder na si St. Pierre-Julien Eymard upang ipagdiwang ang kauna-unahan niyang Misa, isang araw matapos ang kanyang ordination. Sikat din ang shrine na ito dahil sa isang apparition na naganap noong March 25, 1649, so mga 340 years na ang nakakaraan matapos magpakita ang Mahal na Birhen sa isang magsasakang Heugenot (french protestant) upang ihayag ang kanyang mensahe tungkol sa pagbabalik-loob.
Ang left transcept window ay naglalarawan ng barkadahang St. Francis Xavier, Mama Mary at St. Boniface, at sa tuktok nila’y ang larawan ng di-masyadong photogenic na si St. Jean-Marie Vianney. Ang right transcept window naman ay ang tropang St. Paul, Jesus Christ at St. Peter, at sa tuktok nila ay isang larawan ng taong di ko maaninag kung sino. Ang mga bintanang ito ay nasasaayos sa traditional na triptych arrangement na pinalalamutian ng french fleur-de-lys designs, na siyang hit na hit noong panahon ni Mahoma.
Filed under: outside religion | Tagged: Add new tag, community, food, fun, kadramahan, personal, photography, sports, struggle, travel |
apir apir. pareho pala tyong tiga batangas. san ka dun? sa lipa ako!
Wow! Kay ganda naman ng view saktong pang post card. wala nyan sa atin kahit dito sa Saudi kaya pa view na lang sa blog mo, hehehe!
Thanks for sharing & God bless you bro!
Huwaw!!!! Ansarap!!! {sorry matakaw talaga ko eh}
Saka ang ganda naman dyan. Haays kelan kaya ko makakapunta dyan kuya utoy?? Sagot!?
Sana may kapalit yung hindi mo paggawa ng tag ko {tampo}..private pic na lang send mo sa email ko. Wapaks!
Hahaha! view mo ulit padre kasi may pinahabol ako sa last part ng blog ko. Comment ka ulit sabay iyak ha, hehehehe!
psst hindi maienlarge yung stain glass photo. ulitin mo kapatid ang embed. gusto ko sana makita yung nasa tuktok nung right transcriptwindow. parang si pius X yun?
@King psst salamat sa pagbisita. mamaya babawi akosa lahat ng bloggers na pinagkakautangan ko ng reply and cross visit… busy lang talaga po
pwede pakifed-ex na lang ang mga éclair, diplomate, madelaine, tartlette, meringue, charlotte at mille feuille para naman makatikim din kami? hehehe!
paki-sabay mo na sa FedEx mo ng sweets for IFM nung sa akin ha….
adress ko:
viale di san paolo, 18
00146 roma, italy
paki-damihan ng éclair at raspberry pie ha!… tsalap!
kapatid, naihatid mo ba talaga si Brigitte “sa rurok… ng mga kabundukan”…. hindi ka hiningal? toinks!
ang sarap naman ng pastry.. nakakatakam. akala ko nina strawberry, raspberry pala.. hehe!
magpadala ka naman po dito sa pasko.. hehe! 😉
kuya utoy pangarap ko rin mamundok sa kanyang lugar at sana sa pag-uwi mo ng Pinas isama mo po ako.dont worry kasya po ako sa bulsa mo…wala po akong isang kilo…wahahaha
ang sarap naman ng mga yan…ang masasabi ko “may araw ka rin!”….
hmmm…kuya utoy hulaan ko kung wala ka sa semenaryo ang karir na papasok mo ay maging isang balerina, gymnast, acrobat…aba tingnan mo naman ang header tinalo mo pa ang moves ni Liza Macuja….
sige po sibat na ako!
wow! “St. Boniface” nag bling bling ang aking paningin!! isa pa nga St. Boniface… haha
para lang siguro kayong si jack en jill ni binibining panadera.. naku eh kung sa pilipinas nyu gawin nyan pag baba nyu ng bundok ikakasal na kau sa dami ng tsismis na napagusapan hahaha!
ganda naman dyan malapit nadin yan matabunan ng yelo? pano na ang mga baka? saan na sila ipapastol pag nagyelo? (namroblema pa para sa baka) haha.
*** ang english ba ng panadera ay beyker?
PUBLIC ANNOUNCEMENT: DECEMBER 13, 2008. dahil sa ilang araw ng stagnant ang tindahan ng revsiopao, MAGSASARA napo. hahaha! wala nadaw pong pondo. ayaw i bail out ng roma!
hallooo bro.utoy! 🙂
salamat po sa pagdaan sa blog ko..
mdjo madalas din po ako dito. di nga lang ako nagpaparamdam.
dahan dahan langpo kasi ang pag pasok ko.
baka may makarinig sa yapak ng paa ko.
pagkaguluhan ako.
hahaha.
ingats po.
salamat po sa payo.
praying for you din po..
nag iipon na po ako ng mga kaibigang
seminarista.
para pag dating po [kung sakali] ng ordination ko
ma iinvite ko po kayo. 🙂
hehe.
talagang merong ‘mamatay sa inggit’ hehehe. nkakainggit nga nman ang mga views parang ang lapit mo lang sa heaven at pwede na bumulong kay Lord! pro agree aq kay kamotenista… may araw ka rin!
Brader Utoy, sa ‘Pinas ba umaakyat ka rin ng bundok?
“Gayunpaman, I still sincerely hope and pray na mamatay pa rin kayo sa inggit sa aking sky-rockets-in-flight afternoon delight na pamumundok.”..
>>hindi kami mamatay sa in…git… di….di..toooo…..
ano tong dugo sa ulo ko?? lols..
wahahaha nasa new zealand kse ako. yung mga pinsan ko tiga calaca din. hindi ko alam ang maiden name ng tita ko eh.
sus ako pa palaging gising to ha ha.
huwaw! pahingi naman nung mga pastries..
ang sarap nun, for sure…
inde pa ku nakakatikim ng raspberry…
pa-air mail na lang… lols…
Bro Utoy , ewan ko sa kanila, pero ako ay na-iingit sa iyong pamumundok at sa mga masasarap na panghimagas na dala-dala ni ka-ibigang Brigitte… kaso sandali, gapang-gapang at gulong-gulong… naku po…. ingat.
Wooowww…. ang pamumundok.. bow!
DAPA sabay split habang gumugulong gulong sa damuhan at nakikipag patintero sa mga Cow Pies.. mas exciting yun! ehehe
*** BroUtoy, may accent ba mga baka jan? (ahihihi)
omg. ang ganda dyan.
*doing julie andrews’ twirl as she sings…THE HILLS ARE ALIVE….*
Dear Mr. BONISTATION:
What is this smear campaign that you are perpetuating in the blogosphere against my client revsiopao? If you do not put an end to this senseless engagement, we will be compelled to file a case against you at the soonest possible time!… Oh by the way, my revered client asked me to relay a very important message to you: “TOINKS!”.
To Atty. Shawarma,
That is a pap smear! (ahihihh) peace!
Dont you worry, i filed my bid at wordpress. claiming your account. Im acquiring your password and full operational rights. Ako na magpapalakad ng revsiopao. Toinks!
—
Management of Bonistation
ahaha! astig ng reply ni brother utoy! sige kukuhanin kitang business analyst! haha alam mo na agad ang mga pangyayaring magaganap! clap! clap! nga pala ung sinasabi mong new batibot episode na gagawin mo sige sige ituloy mo un haha gusto ko un! isali mo ang mga vivahotbabes ha! hihihi
Huwahw! Isang gabi lang akong lumaboy sandamakmak na comments! Iba talga ang sikat! toinks!!
Ang gaganda nmn ng mga pictures pang post card talga! hehehe..
Ano daw? Cow pies? Nakakain ba yan?
Ano daw? Rurok ng kabundukan? Nangkupo, wag po koya, wag po!! Mga minors pa po kami, bwahahaha!! toinks!!
Natawa nmn ako sa St. Jhoen, para bang imposible? hihihi… lagot ka brother, padadapain ka ni rev. toinks!
Osya, nasa galaan ako ngaun eh, mmya n ko magcocomment ng matino… Magbabalik!
ikaw lang ang bukod tanging pilipinong nilalang na pumunta ng pransya para lang mamundok.
alam ko yung cow pies ha. yaki gumapang gapang at gumulong gulong ka kamo sa terrain na yon? (naaamoy kita mula diyan brother)..
nakow etong si brigitte talaga e maistayl rin ha. alam na alam niya kung pano ka uutuin para may kasama siyang mamundok. tsk.. the way to a man’s will is through his taste buds. haha
*singing
High on a hill was a lonely goatherd
Lay ee odl lay ee odl lay hee hoo
Loud was the voice of the lonely goatherd
Lay ee odl lay ee odl-oo
Folks in a town that was quite remote heard
Lay ee odl lay ee odl lay hee hoo
Lusty and clear from the goatherd’s throat heard
Lay ee odl lay ee odl-oo
O ho lay dee odl lee o, o ho lay dee odl ay
O ho lay dee odl lee o, lay dee odl lee o lay
paguwi mo akyat tayo nina rev sa makulot sa Batangas. tagal ko na di naprapraktis ang pagiging mountaineer ko. sa baba noon bundok (cuenca) ang hometown ng tatay ko. dun ako palagi nag babakasyon nung bata pa.
last time Ive been there was 1996 pa. 12 years ago na
panagrap ko makapunta sa ganyan bro. tas habang nagpipicture ng mga ganyang views e kumakain ng mga pie at kung anu2 pang kakaibang pangalan ng pagkain na di ko mabigkas lol.
kaiinggit! 🙂
Bauan ka pala at Calaca. Na areahan ko na yan. Pa Lemery, Ibaan, Talisay, Sto. tomas, Calatagan, Tanauan, Nasugbo, Malvar, Lipa, Rosario, Ah basta buong batangas. Teka, Ganda ng view ano?Parang commercial bf Birch Tree.
Naiinggit ako… raspberry pie…. :p mukhang napakasarap (tulo laway ko).
At ang ganda ng view! di ko sasabhin na naiingit ako, lalo na sa lugar na napuntahan nyo…
pakiramdam ko tanggal ang pagod nyo after nyong maakyat ang bundok. 😉
Marami rin kaming Cow Pie at madalas nakakalat sila sa car park mabenta kasi sila duon, one time share ko rin sa exotic fuddie trip best!
ganda pala ng header nyo! 🙂 sana makasama din ako dun sa paglipad “minsan” 😀
bkit parang walang sumagot sa cow pie na yan? cow pie — tae diba? 😀 😀 😀
sarap ng pastries… grabe… mahal ng ganyan dito sa pinas… isang piraso halos isandaang piso… ibibili ko nalang ng sangkatutak na flat tops yun, ganun din naman ang sugar content! 😀
padaan…
Tahimik ako kasabay ng pananahimik ng siopao…
PERO… teka lang…. taympers! OK na ang Christina, di lang obvious pero Christina talaga…. St. Christina – one of the Toinks Saints.. bwahhahaha ay mali ahihiihhi! Lipaddddd… Lipaddddd….
OK…. GAME! ang pananahimik bow!!!! Toinks!
TEKA.. PS pa! BroUtoy, may St. Matutina ba?
OK… GAME na uli…. TAHIMIK na ko!
hi bro. utoy, thanks for dropping by sa blog ko.
next time iwan ka na din ng eclairs at meringue ha.
yum!
wow nagtakam tuloy ako!
hmmm hula ko may pagnanasa sayo yan si brigita na yan..sa sunod nyan eh gagahasain ka na dyan sa kabundukan ng francia..o d ba bungga pa din! papagulong gulungin ka nyan sa mga cow pie at saka kakainin,hihihi
bilang isang adik sa dessert…..natakam ako dun pwamis! 🙂 buti pa kau me supplier ng sweets.
ang ganda naman ng view up there kuya…parang sa sine at postcards ko lang nakikita ang mga yan samantalang kaw..inaakyat mo lang. 🙂
ang galing ng pagkaka-pektyur mo ha. 🙂
ang sarap naman ng pie…
Wow, congrats, Bro! Isa ka na talagang “dakilang taga-bundok”! Teka…ba’t parang di maganda ang dating non? Hehehe…
At oo, super inggit ako sa mga mala-“Sound of Music” na tanawing iyong nakita – pati na sa mga “yummy-licious delights” na binibigay sa iyo tuwi-tuwina ni barkadang Brigitte.
Ika nga – life is good but God is even better! 😉
mukhang magandang hobby yang pamumundok ah, matry nga. 🙂
ako ba yun magandang miss? nyahaha
inggit ako Br. Utoy.. sama mo ako next time ha..hehe. buti pa si Brigitte. NAKAKAINGGIT NAMAN! 😀