Ten questions you shouldn’t ask a seminarian 2: MAY KASAGUTAN!

Kanina lamang ay masigasig akong naghanap ng isang malinis, puti at walang bahid-dungis na bisirong tupa upang gawing katanggap-tanggap na susunuging handog sa aking Bluepanjeet shrine.  Ito ay sa kadahilanang dininig niya ang aking mataimtim na panalangin upang mapagkalooban ng isang maayus-ayos na header.  Mamayang gabi, habang naka-smiley pa ang buwan, Jupiter at Venus ay gagayak ako ng itim na salukbong, ilalatag ang aking kinatay na alay sa altar at sisilaban ito habang isinasagawa ko ang aking sagradong ritwal na binubuo ng isang interpretative song-and-dance number sa saliw ng mga inspirational hymns ni Willie Revillame.  Ang lahat ng iyan ay gagawin ko dahil nilubos ng kapatid kong ito ang aking kasiyahan na mabiyayaan ng isang bagong header.  Salamat, Bluep!  Da best ka talaga.ü

* * * * *

Dahil napakaraming nagrequest (mga dalawa sila) at sadyang utu-uto ako, heto’t nagpasinaya akong muling ibalik ang “Things you shouldn’t ask a seminarian.”  Ito’y napapanahon sapagkat tulad ng inaasahan, dumadagsa na ang mga tambay ng seminaryo sa blogosphere.  At least eh nailista ko na dito kung anong mga pang-asar na tanong na maaaring i-flood ninyo sa comment box ng blogs nila.

Osya, heto na.  With answers na yan para di na maitanong pa.

1.  Tumatakas ka ba sa seminaryo para magdate?  Ang tanong na ito ay inspired ng kuya ni kamootch na nasagot ko na rin.   Di dapat itanong ito sapagkat reserved kay Father Superior ang mga tanong na ito tuwing IC at SD (kung seminarian ka, alam mo kung ano ito!).  Pero kung curious ka eh malaking HINDI ang sagot sa katanungan na iyan.  Bakit naman kami tatakas eh may free day naman para dyan?   Hehehe…  Para sa mga gusto akong maka-date, Sumo Sam, Kimono Ken, Teriyaki Boy at Omayasu lang eh mapapa-oo nyo na ako.  Available only during office hours.

2.  Namimiss mo ba ang mag-kiss?  Etong tanong na ito, pasimple.  Ang gusto talagang puntuhin ng tanong na ito eh kung namimiss ko ba ang sex.  Pero dahil nagpaka-politically correct ang nagtanong eh sasagutin ko as is.  Nope, di ko nami-miss ang kiss.  In fact, kapag seminarian ka, andaming bumebeso sayo at tiyak ko, ikaw pa ang hahanap ng paraan upang makaiwas.   Kasi naman, mostly mga manang ng simbahan na mahilig mag-iwan ng lipstick mark sa pisngi naming seminarista ang humahalik.  Eeeww… .  Dito sa France, kakaiba.  Dahil ito ang socially accepted way of greeting each other,  pati mga manong ng simbahan, bumebeso.  Double eeeww!!!

3.  Brother, virgin ka pa ba o hindi na?  Naku, tinatanong pa ba yan?   24 years old na ako nung pumasok sa seminaryo.  Sa trabaho ko dati eh lagi kami sa mga KTV tuwing weekend, at sa mga out-of-town, beerhouse pa rin yan.  Madalas ding dumalaw sa akin noon sa Bacolod ang ex-girlfriend ko at sa hotel niya ako syempre nag-oovernight.  Syempre, obviously ang sagot diyan eh OO, virgin pa ako!  Ang hina nyo naman sa logic!

4.  Bro, pwede ka bang ilibre ng lunch/merienda/fishball/kape?  Tinatanong pa ba yan?  Aba’y siyempre, oo!  Mahilig ako sa oriental dishes (kasi malalaki ang servings nila) at sa mga eat-all-you-can na karinderya.  Pero konti lang ako kumain.  Di kasi ako matakaw.

5.  Totoo bang mayaman ang congregation/diocese nyo?   Ang totoo, di man mayaman ang isang congregation o diocese, may pera pa rin yan.  Mahirap sagutin ang tanong na ito lalo na’t di malinaw sa nagtatanong kung ano ang vow of poverty.  Halimbawa, ang mga Franciscans ay kilala sa kanilang partatanghal kay Lady Poverty ngunit syempre, may sapat silang gamit na hightech na para rin sa missions at ministries nila.  Hindi naman kasi vow of obsolency ang pino-profess namin, poverty lang.   Sa diocesan, ewan ko lang kung mayaman sila. Tanong nyo kay Rev. Siopao sa launching ng kanyang blog sa December 8, 2008, ala una ng madaling araw.  at siguro, out of politeness na rin, taboo ang tanong na ito.  Sige, tanungin mo ang boss mo kung mayaman ba sya.  Now na.

5.  Bro, ikwento mo naman sa akin ang vocation story mo, please? Ang vocation story, hindi naikukwento ng isang upuan.  Ito’y ibina-blog.  Dalawin nyo ang vocation story na ito, ito at ito to see examples.

6.  Malapit na ba ang end of the world tulad ng sabi sa bible?  Eto, kapag tinanong na sa akin ito, pasimpleng lumalayo na ako sa kausap ko.  Sure as there’s a scam in the government, sigurado ako na may tililing (or klang-klang-klang?) ang taong nagtanong nito.

7.  Nasaan si Father?  Ito ang isa sa mga milagro ng Inang Simbahan.  Kapag may bisita o kaya may phonecall tapos naghahanap ng pari, ewan ko ba’t laging naglalaho si Father.  Tiyak yun, maniwala kayo.  Ang siste, anlaki-laki ng seminaryo, di mo alam kung saan hahagilapin ang nawawalang pari.  It’s an ecclesiastical “taguang pung.”  Naisip ko tuloy, dapat si Rev. Siopao, kapag naging pari na yan, naka-GPS para madaling mahagilap.  Visit http:revsiopao.wordpress.com (Rev., may bayad itong ads ha, at sabi nga ni p0kw4ng, dapat in Yulos.  Baka maempatso na ako sa dami ng siopao.)

8.  Pwede bang ikaw ang magkasal sa akin pag pari ka na?  Naku, hija, in your dreams.  Mukhang di ka na makakapag-asawa.  Buwahahaha!!! hahaha…  hehe… uhhmmm… {{hinga malalim}}  Sure, payag akong magkasal sayo, mag-invest ka muna ng panggayuma ng nobyo.  Buwahahaha!!!!  hahaha…  hehe… uhhmmm… {{hinga malalim}}  Ehemm..  Moving on to the next question…

9.  Di ba seminarian ka?  Bakit ganyan ang mga jokes mo? Isusumbong kita sa superior mo!  Ito ang pinakamadalas kong naririnig na sinasabi ng mga tao sa akin.  Syempre lambing lang nila sa akin yun kasi ako pa, eh napaka-holy ko nga.  Di lang yan, humble pa ako.  In fact, mas humble pa ako kesa kay Mother Teresa.  Come to think of it, mas humble pa ako kesa sa kahit na sino sa inyo.

10. Bakit naniniwala ka pa sa religion-religion na yan ha?  The best itong tanong na ito.  Naghahamon ng away.  Ngayon, bakit dapat di itanong ito sa seminarian?  Dahil lagot ka, maraming handang sagot ang mokong sa ganitong barubal na tanong.  Matakot ka na.

Sampu na yun.  Tama na’t maggagabi na.  Magkakatay pa ako ng tupang handog.  Magda-download pa ako ng insipirational songs for the ritual.  Namnamin nyo na lang ang…

.

…ating Stain Glass Window of the Day!

Chapelle de St. Honore

Chapelle de St. Honore

Ito ay kuha ko sa loob ng Chapel of St. Honoré na actually eh joint-chapel ng NotreDame Cathedral ng Grenoble.  Samantalang maraming renovations na sa Cathedral, ang chapel na ito ay well-preserved, pati ang amoy.  Yang bintana na iyan ang napili ko kasi… ano, di ko siya maipaliwanag.  Sa mga religious art expert, paki-explain naman sa akin yan.  Bakit parang watermark lang ang ulo ng monghe?  Pinugutan din ba sya tulad ni St. Denis (see stainglass)?  O baka naman siya na nga si St. Denis?

56 Responses

  1. hmp! tawa ka sa question #8 ha! hmp! (sinasabi ko yan habang nakasimangot ako. pagpasensyahan kasi bad day nga.) alam mo bang navolunteer na kayo ni bluep para kumanta sa kasal ko? bwahahahaha! kelan ang kasal? kung pari ka na! hahahaha! ibig sabihin….. ano nga ibig sabihin nyan? wala! magulo ako ngayon… shhhh! malapit na ako matapos magbilang ng paperclips

    uy, hindi para sayo yung number 8. pramis.

    bakit parang sad talaga ang muse namin? smile na, SIS!

  2. papaano mamimiss ni utoy ang kiss eh nagkikita sila ng patago ng gwardya nila para sa deliber na halik…

    may naisip ako sa #5…lagi din kasi akong natatanong ng ganyan..mayaman ba ang amo mo? ang sagot ko hindi ko po alam kasi wala naman akong pakialam sa yaman nila..as long na may pang sweldo sila sa akin go lang ako ng go,hihi

    ay may tanong ako…utoy anong mga position na ang naranasan mo?hahaha

    ssshhh…. wag mo naman akong masyadong ibuko, P0wks. hehehe… gwardia ba?ü

    position? ah, eh, virgin pa ako eh. di ko alam yang mga position na yan. hehehe…

  3. Brother Utoy,

    Thanks for your comment on my post on Jean Vanier a few days ago. I found that Google had a translation tool to at least get an idea of what you’ve written in Tagalog, so I can follow your blog even if it’s not written in English. Sometimes Google does a very good job of translation especially from, say, French or Spanish to English (I was playing around with languages I know, to try it out). However, it usually massacres the sentence structure!

    I got enough out of this post to think it’s an excellent, very witty post! Thanks for the humour and God Bless,

    Warren

  4. hihihi nagbabalik ako…naman utoy di naman kailangang di ka na beergin para magka position eh,hihihi

    ako gusto ko sana supervisor..ikaw di mo pa naranasan yun?? o kahit trabahador lang position pa din yun,hihihi

    u ha..wer na b u..dumi ng tak u mo ha,hihihi

    sensya na p0wks, naubusan ng dugo ang utak ko. nosebleed kasi yung sinundan mong commenter galing canada.

    gusto kong posisyon? syempre yung nasa ibabaw ako! para malaya akong makagalaw. Diba ganyan naman ang mga boss? (palusut pa eh)

  5. Whahhhhhh!!!! Nahuli na naman ako!

    Magbabalik…. pwamis. {read muna… he he}

    ano kasi namang tripping yan at nag-uunahan. klangklangkalang.

    ilang araw na lang rev!

  6. {{Hinga ng sobrang lalim}}

    Utoy, DAPA!!! Pasaway kang bata ka… ‘di mo na naman isina-alang-alang ang ating magiting na lahi {owws?}.

    ‘Pag ako dinumog ng mga ganitong uri ng tanong sa aking tindahan simula sa Lunes…. naku naku naku!

    Siyempre hindi puwedeng hindi ako mag-re-react {e mahiyan ako e}…

    #1) IC and SD — as in “internal cheating” & “sinungaling direction”??? (toinks)

    #2) Totoo ba ang sabi ni p0kw4ng tungkol sa guard? Sinasabi ko na nga ba e… siya ba ‘yung nakita ko sa bahay niyo na hello kitty ang uniform? Whaattt???!!!!

    #3) NO COMMENT!!! {virgin daw…. wheeehhhh}

    #4) Hindi ka “matakaw”?… SINUNGALING! {readers, dalo kayo ng pasinaya ng aking tindahan sa lunes, makikita niyo ang ebidensiya}

    #5) ‘Di ka man lang nagpa-donate sa PayPal account natin para sa mga istoryang iyan. Sayang din!

    #6) Isa pang klang klang klang!

    #7) ‘Di ko sasabihin kung nasaan si pader! ….. Wow libreng ads {naku kaka-pressure naman… parang ayaw ko na mag-lunes}

    #8) Huy baka naman sabihin nila nasa lahi natin ang malakas mang-okray… huwag ganun! {ano ba ang histura?… bwa ha ha ha!}

    #9) You’re so HOLY and HUMBLE Utoy {halata ko nga! super!}

    #10) Next question please.

    {hinihingal}
    *** Huwag ka nang gagawa ng sequel nito ha. Utang na loob! {gagawin kitang palaman ng mga siopao ko}

    sira, wala naman kaming guard. white lady lang yung nakita mo.

    pangalawa, inuulit ko, hindi ako matakaw, HINDI AKO MATAKAW!!! magana lang talaga… at syempre, holy at humble din.

  7. marami pang katanungan kaya mrsiopao ayos lang ang part3. hehe
    natwa ako sa comment ni pokw4ng haha position nga naman kase ang tanong.kung ano kase iniisip eh! ^^

    si revsiopao din pinapadapa ka pede din ba kaying dumapa? kanino? saan? sa gwardyang naka pink? hihihi! (dumi din pala isip ko toinks).

    gusto ko ung question number 5. haha si revsiopao pag pari na madali makikita ‘NASAAN SI PADER?” hanapin mo sa google!! sang damakmak ang results! haha peace! napaka showbiz na pari oo!!

    saka tiyak lalong sisikat yan kapag na-launch na ang blog nya.ü

    Rev, alam na ba ni Bishop Soc ang tungkol sa blog mo?ü sumbong kita! hehehe…

  8. Utoyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy,

    DALAWA ANG NUMBER 5!!!!!!!!!!
    (so ELEVEN ang questions).

    Gumimik ka na naman ha.
    ‘Kala mo hindi ko mapapansin. Belat!

    {cute lang ako pero hindi duling! toinks!}

    KLANG_KLANG_KLANG!!!! VERY GOOD, SIOPAO! as useless, isang araw na ang nakalipas bago napagtanto ng santinakpan na dalawa ang number 5. Dahil nasigurado kong nagbabasa ka nga, sige, kahit tatlong siomai na lang ang ibigay mo sa akin sa opening day.

    CLANG-CLANG-CLANG!!! (parang tililing on steriods lang)

  9. Huy, bakit mo nisabi ang name ni Obispo!
    Lagot ka, pag-ni-google nila ang name niya… puwedeng mapadpad dine ang mga kinauukulan…

    DAPA ULIT!!!!!!!!!!!!!

    {kunsabagay wholesome naman tayo ‘di ba?… ‘di ba?… ‘di ba?}

    ok lang yun. sayang din yun, blog traffic din yun (haha, bloghit ho!)

    to the toinks team, bago itong dapa ah. well may bago rin ako:

    DAPA SABAY SPLIT!!!

  10. Rev. siopao – gutom na kami… talaga bang sa dec. 8 ka pa magbubukas?

    nagpapapaper drive pa si Rev para may sapat na pangpalaman ang siopao nya. hehehe… rev, paano yan, busy kami kapag Dec 8! Notre Dame kaya yan…

  11. @IFM — naku, lalo tuloy akong na-pe-pressure niyan!
    {para tuloy ayaw ko na mag-bukas ng tindahan…. ha ha ha!}

    Naging chatroom na talaga ang bahay ni Utoy. He he.

    habang nagcha-chat kayo eh bili naman kayo sa akin ng stork at mani. hehehe…

  12. Rev siopao – ayaw ng magbukas???!?? waaaahhhh!!! nakapila na kami. hehehe!

    shhhh… tulog pa si Bro. Utoy. Yaan mo syang magulat sa pagdiscover na may party pala dito habang tulog sya.

    Rev, one hour lang ang diprensya ng timezone natin ah. anong oras ka ba natutulog at nagigising? wala bang misa at prayer dyan sa umaga? aba, aba…

    basta ako, 7am pa lang, kasabay ko na ang buong sangka-neighborhood-an na nagpapala ng niyebe sa daan.

  13. @IFM — Party? E wala man lang kahit pa-kape pa-Zesto at butong-kalabasa dine e. Gabi-gabi na nga akong naglalamay e.

    {baka nikain na lahat ni Utoy… kasi masiba matakaw magana daw siya e… SHHHHH}

    I refuse to legitimate this comment with a response.

  14. Shhh. Si Bluep, napanaginipan na ang pastel header ni Bro…tapos si Bro utoy, ganun din – hawak kamay daw sila sa dalampasigan habang mariing pinag-uusapan ang theology subject na?????? – holy header.
    rev. dapat mag-umpisa ka nang magmudmod ng siopao card para hindi hirap ang tao sa pila. parang mrt ba…

    Dfish, anong kalokohan ito, at sa blog ko pa? How could you! hehehe…

    Wag gawing imagery ang “footprints in the sand” at baka mahalata ng mga commenters kung anong henerasyon tayo galing.

  15. bring your own food daw… di mo ba binasa yung rules nya na nakasabit sa labas ng pintuan nya? honga pala… yung hinahanap mong butong-kalabasa, nasa ilalim ng bed nya. ssshhhhh…. hwag mong sabihin na sinabi ko sayo… baka mahalata ng iba na talagang matakaw sya

    et toi, aussi, IFM? may conspiracy dito.

    sa mga naparito hindi para basahin ang post ko kundi ang mga comments, di po totoong inubos ko ang butong-kalabasa. panlamay kaya yun sa patay. Boy Bawang po at Dingdong Mix Nuts po ang preferred kong tsitsirya. Atsaka Chocnut at Lala rin.

  16. @Dfish — Shhhh (ka din!… he he)…
    *** ganda naman ng plot ng dreams nila bluep at utoy… para lang isang eksena sa dyosa {naku hindi alam ‘to ni bluep kasi kapuso ‘yun… si utoy naman walang tfc}.
    *** wala ka bang ibang naiisip na mas hi-tech na system bukod sa siopao card? {magpa-contest din kayo ako? he he}

    nanaginip din akong si Dfish at si Rev Siopao eh patakbong nagsalubong sa bukid ng sunflower (slow motion syempre) at nagyakap tapos may buhat-buhat pa kamo habang nakadipa sa langit at nakatingala si Rev tapos iniikot-ikot siya ni Dfish. Ang soundtrack eh “Close to you” ni Karen Carpenter.
    What a nighmare.

  17. hahahha.. nakakatuwa namang mga tanong yan…

    eh yung tanong po ba na mag-aasawa kaba? anong sagot? hehe

    syempre, i’ll get married with the Mother Church!ü (palusot)

  18. oo nga nakakatuwa yung mga tanong, sabagay yan naman yung mga tanong na takot akong tanungin sa mga pari pero ang saya nya tanungin sa mga nagse- seminaryo!! lol

    welcome to my blog, Cindy! uy, i added you to my blogroll na rin.ü

  19. Aba, nalingat lang ako ng ilang oras 18comments na agad! Iba talga ang tambayan! Kung ginawa mong pay per view ang blog mo, mayaman ka na! Toinks! hehehe…

    {Balik muna ako sa blog, nakalimutan ko na ung entry mo sa haba ng comments eh}

    {Nagbabalik}

    Parang nawalan yata ako ng ganang pumunta ng france at parang gusto ko nalang maging suplado, bwahahaha
    Wala akong comment sa question #3, as in wala talga.. wala nga eh.. wag makulit, wala nga….
    Bakit nga kaya nde mawala ang pagkain sa mga posts, hane? Punta na kayo dito para makalaboy tayo tas foodie trip ciempred! (Selos ulet si revsiopao)
    Panalo ang #8!!! tambling talga eh!! bwahahaha!! Wala akong masabi, the best ka talga brother! Aaww!

    haynako, Jorge, para na ngang pader ng men’s room ang blog ko, puro vandal. hehehe…

    bakit ka naman nawalan ng gana sa France? ok dito! mayelo.

    andaming may gusto ng number 8 ah. hehehe…

    DAPA SABAY SPLIT!!!

  20. nagsisisi ako…nagsisisi ako kung bakit pa ako nagbasa ng mga comments…..naaliw ako sa palitan ni IFM at rev.siopao ng makabuluhang talakayan.lols…..nawala tuloy ang sasabihin ko..badtrip, read from the start na naman ako…

    {humihingal sa muling pagbabasa}…

    dito ko pa nalaman na lalaki pala si kamootch..pwera biro…ang buong akala ko ay kabaro ko itong si kamootch…naisahan ako dun ah..

    dati, may crush akong pari at nakiki beso beso din ako…haha..wag mo akong susumbong sa nanay ko, kuya ha..mapipingot at mapapaluhod ako nun sa asin habang nakadipa sa altar at naglilitanya ng isang buong rosaryo…

    naku, doc, wala naman akong sinabing lalake si Kamootch! Hala, lagot!

    Gusto ko pong linawin sa madla, babae po si kamootch! (babae ka nga ba, Kamootch? wala ka pa picture sa blog eh. si zapped din, akala ko noong una, babae.)

  21. 4. Bro, pwede ka bang ilibre ng lunch/merienda/fishball/kape? Tinatanong pa ba yan? Aba’y siyempre, oo! Mahilig ako sa oriental dishes (kasi malalaki ang servings nila) at sa mga eat-all-you-can na karinderya. Pero konti lang ako kumain. Di kasi ako matakaw.

    please.

    brother utoy mag-confession ka. hindi totoo yang last line diyan oh. tsk.. tsk.. kumulog at kumidlat nang mabasa ko to eh.

    lagi mong tatandaan na meron akong pornographic este photographic memory. halos every other post mo tungkol sa food. tapos ngayon sasabihin mong hindi ka… di ko na itutuloy. it hurts too much.

    charing!

    halos lahat ng post ko may holy image din, bakit walang nagsasabi na banal ako? (at humble din)

    kasalanan mo ito, Rev. ikaw ang nagkalat ng tsismis na ito! maghihiganti ako, hintayin nyo lang. Ggrrr… (tama ba spelling ng ggrrr ko?)

  22. ISA LANG,
    BROTHER NANINIWALA AKO SA LAHAT NG SINASABI MO…

    buti pa si dencio, kampi sa akin.

    (mamaya na bayad, denc, ha)

  23. sabi ko nga nga ba aamin din! di ko naman kinontra na favorite mo ang Boy Bawang at Dingdong Mix Nuts, Chocnut at Lala. In fact, yun nga ang susunod kong sasabihin… na maliban sa butong-kalabasa, ang mga yan ay nasa ilalim din ng bed mo. aminin mo! umamin ka!

    pero di ka matakaw.. hindi nga talaga… hinding hindi….

    di ako mahilig sa butong-kalabasa, IFM eh. nagrerequire pa kasi yun ng effort para balatan…

    atsaka wala nang space for butong-kalabasa sa ilalim ng bed ko.

    God bless!

  24. kuya, may naghihintay sayo sa email… sabihan daw kita ngayon din… hahahaha!

    wow, parang text lang! thanks, IFM!

  25. sabihan pa raw kita na hindi na nakaprivate…

    sabihin mo na nakita ko na at hanggang ngayon eh hinahanap ko pa ang mouse ko. (galing ng pass the message natin!)

    (after 5 minutes)
    pakisabi na rin na tapos na ako. pwede na ulit iprivate. (anong sinabi ng SMS sa style natin!)

  26. ahahhahaha! isasara ko na ba ang message box ko? nakita mo na ba ang hindi dapat makita? hahahaha!

    hahaha!!! makikita nyo rin ang mga nakita namin ni Bluep. pramis. hehehe…

  27. hahahaha! bagong gimik to…. ewan ko lang kung masusunod to ng iba… nasabi ko na…

    puro na nga private jokes ang laman ng comment box ko, intimidated na ang mga bisita!ü

  28. hahaha kakaaliw…pabalik balik ako dito….

    pabili nga po ng mani at ng may pakinabang naman ikaw sa akin… yung babad sa ihi ha!

    utoy bakit may time diff ba kami sa inyo? wala naman yata…UK ang meron,hihihi

    wala ba? akala ko meron. hehehe…

    ay, ibang mani yan! hindi malutong yan! hehehe…

  29. may pahabol pa pala, Kuya! eto pa…. sabihan daw kita na nakita nya na ang attachment na inemail mo at di raw nya nagustuhan kasi kelangan bend pa… bend pa raw na parang tipong contortionista…. hmmmmm…….. ano ba tong pinag-uusapan niyo ha?? baka makulong ako nito. hahaha!

    halika, ibubulong ko sayo… hehehe… aktuli, mga kahihiyan namin ni bluep ito so there you go, secret-secret muna.ü

  30. Bakit ang mga seminarista kapag ganap ng Pare ang tawag Father eh yung sa madre naging sister, bakit hindi mother?

    papatulan ko itong tanong na ito kasi makabuluhan.

    actually, sister lang sila sa english. Madre ang tawag sa kanila sa Tagalog, meaning mother din. Ang mga priests, Father ang tawag sa english, pero Pare lang sa tagalog (parang ninong lang ng anak mo, ganun).
    Pero pwede rin kayang Ankol at Onti ang tawag natin sa kanila?

  31. @Fatherlyours

    wow ang corny. nakakita ka ba ng madre na nagmimisa? Kung hindi yun ang sagot…

    kurutin nyo nga po yang si Fatherlyours. Kung anu-anong itinatanong.

    teka, may tanong din pala ako:
    kaanu-ano nyo po si Lovinglyours?

  32. isa lang masasabi q masaya buhay ng seminarista… kung naging lalake lang aq magpapari talaga aq hehehe… nkakaiyak nman ung number 8… bti n lng nvr q snbi sa mga frens q seminarista… sla nag ofer sla raw magmimisa sa kasal q, ayun mtgal na sla pari at mtgal na rin sila nagmimisa ng kasal… ng iba nga lang hehehe

    expected ko, maraming magrereact sa number 3 pero parang number 8 ang sikat ngayon. hehehe…
    maganda ka naman, honey, so tiyak yun, makakapag-asawa ka.ü

  33. {nagbabalik matapos ang 21 oras}

    sinsabi ko na nga ba at magkakagulo dito mawala lamang ako ng ilang oras. LAHAT KAYO, DAPA!!!!!!!!!!!!!

    @UTOY – at bakit wala ng space sa ilalim ng unan mo kapatid? dahil ba nagtatago ka na naman ng mga kaning lamig (meron sa france?), keso, alak, etc.? {dear readers, hindi po ako ang nagkalat na matakaw si utoy… ako pa e mahal ko sobra ang masibang kaibigan kong iyan. Sobra! Kaya nga na-hurt ako ng sinabi niyang maghihiganti daw siya {it hertz da pilings… chakit chakit!} — UTOY, mali ang spelling ng Grrrrrrr! {sobra ka ng “g”…. bwa ha ha ha!}

    Panalo ang plot ng inghtmare mo sa amin ni Dpish. Kaya lang mas maganda kung palayan (as in ricefield) at hindi sunflower ang location para makabayan.

    Re: Dec.8 — ok lang kung mahuli ka sa pasinaya sa Lunes. Mas mahalaga si Notre Dame. Kaya lang hindi ko maipangako na may matira pang siopao ‘pag dating mo ha.

    Wala po tayong time difference kapatid. Extended lang talaga ang prayers time ko hanggang madaling-araw kasi ipinagdarasal ko ang mga naliligaw na landas sa internet {tulad mo ko!…. TOINKS!}

    @IFM — ano namang drama ng private e-mail ek ek ‘yan. ‘Di kami maka-relate. DAPA ka din!

    @RIO — mas marami ka talagang mapupulot na banal na aral dito sa comment section kesa sa actual blog ni Utoy. Dito ka na dumiretso next time ha. {shhh… baka marinig ni Utoy…. lalong maghiganti….}

    @JORGE — mukhang may ikukumpisal ka na naman sa akin tungkol sa question#3! punta sa tanggapan ko dali!

    ayoko na… pagod na ako!….

    ginutom mo nga ako sa ordination mo, wala ka man lang pa-takehome na ulam. makakain ko ba yung keychain?

    di ko kailangang magtago ng food sa kama dahil ako ang may hawak ng susi sa cellar at sa pantry. hehehe…

    yung dream sequence, may kissing scene pa yun kaya lang di ko na ikinuwento kasi, grabe nang bangungot yun kahit na smack lang sya sa cheeks.

    kahit maubos yung siopao, basta yung siomai ko ha? samahan mo na rin ng hakaw, shark’s fin dumplings at steamed chicken feet in tausi sauce. atsaka diet black gulaman na rin.

  34. kaaliw magbasa ng chat ng may chat haha. pabili din ng mani. ung maning hubad habang nakatambay dito kakain ako ng mani.

    Utoy’s Chat Room Channel na nga ito eh. hehe… teka, paano ba maglagay ng paypal button para sa bayad sa mani? ganansya ito!

  35. Aba at may-request pa ang damuho mahal kong kaibigan!

    Ipinagtanggol na nga kita sa taas, ipinahalata mo na namang supertakaw, supermasiba holy & humble ka talaga!

    ‘Di mo man lang na-appreciate ang key chain… mas naisip mo pa ang take-out nung ordinasyon ko! Porke ba galing lang sa Rome ‘yun? {nagmalaki}… Porke ba euro lang ang ipinambili ko dun? {nagmalaki ulit}….. Ganyan ka pala! {Hikbi}

    dahil holy at humble ako eh mananatili akong mahinahon at hindi ko papatulan ang comment mong ito, punyemas ka, yabang, yabang, panget, panget!

  36. kuya utoy si kuya dear ko umuusok ang noo at ilong pagtinatanong siya regarding sa politics…..ayaw na ayaw niya tinatanong kung ano ang stand ng church pagdating sa mga issue na yan kaya ang galing ni kuya sa No.7….wahahaha

    Nasaan si Brother???…….lols!

    alam mo ba, Kamootch, napagkamalan ka pang lalake ni Doc sa post ko. di ko alam kung bakit.

    antagal mong nawala, kamootch, namiss ka namin sobra. as in.

  37. Good pm hehe malapit na matapos header mo tol.. hehe. i do not know kung magugustuhan mo pero I already showed it to an american capuchin friar from florida and he said it is exploding with meaning hehe. He is a priest and he knows the length and extension of salvation history…

    I am making 2 versions.

    one is for this theme and the other is for another theme. mas maganda kasi yung header if its larger than the header of this theme. let me know if you want to change theme coz i have a suggestion okay. email me when you are free.

    Dumaan lang for a break. excited lang ako sa header mo hahaha if the readers only knew what you have gone through for that header haha

    Pax et Bonum!

    teka sandali lang at nagtatatalon pa ako sa tuwa at excitement…
    .
    .
    {{after one minute}}
    teka sandali, kakain muna ako. nakakagutom palang magtatalon. lalo na yung talon na parang may inaabot.ü
    .
    .
    {{after ten minutes}}
    Sobrang saya ko! as in sobrang saya ko!!! hehehe… gusto ko na siya makita… naglalaway na ako dito.ü

    kung mas maganda ang ibang theme, sige, papalitan ko theme ko basta tell me kung alin ang choices at alin din ang the best.ü

    salamat, Bluep! salamat talaga! salamat ng marami! salamat ng mas marami sa marami!

    teka, tatalon muna ulit ako na parang may inaabot.ü

  38. Brother, nakalimutan ko palang isulat ung reason ko kung bakit ako nawalan ng gana kasi di ba sabi mo ung greeting ng mga lola dyan pati mga lolo eh kiss? Kaya sabi ko magiging suplado lang ako, toinks!!

    Tsaka mahina ako sa lamig eh, baka isang taong nde ako maligo at wawa naman ako kasi rarayumahin ako for sure, bwahahaha!! toinks!

    at ang kiss nila dito, Jorge, magkabilang cheeks. may iba, apat na beses pa talaga! eewww talaga. pero buti na lang, walang nagpe-french kiss sa akin. toinks!

  39. Bro, asan na yung prescription ko para kay ifm, publish mo please. try ko lang kasi dpish ang pangalan. ito si rev siopao kasi pilit akong i-born-again…

    naku, dfish, naapprove ko na yun eh. may comment pa nga sa ilalim. ewan ko kung bakit di nag-appear. sa totoo lang eh naninibago ako sa bagong format ng wordpress. para akong newbie ulit!

    • Anong problema ng WordPress? Di nag-aappear ang mga inapprove na pending comments. tiningnan ko sa dashboard, approved naman ang comment ni dfish. pero sa site, wala! haynako, ayoko itong bagong hitsura ng wordpress. ang gulo!

      anyway, ni-cut-and-paste ko na lang ang reseta ni Doc dpish.ü
      here goes:

      Dpish said: ” ifm, sa pagmamatyag ko, mukhang sinunod mo naman ang resita ko sa yo na CONSTAN TAMBAY sa blog ni Utoy ang pansamantalang panlunas sa lungkot na binabaybay mo ngayon. Hindi ko na naisulat sa resita ang dosage and other spesipic. ikaw na lang mismo ang magtantya batay sa iyong pangangailangan. ang patext-text sa comment section na ito ay mainam din na parang Carica herbal product para sa hika. kung sumakit ang ipin mo, kumonsulta na lang kay doc rio at syempre i-daan mo ang appointment mo sa kanya through this blog. Servant-leader natin si Brader Utoy kaya hindi magrereklamo yan. Kung kelangan mo ng spiritual prescription – agen, kumonsulta ka na lang kay rev. siopao (kelangan i-timing mo na bagong almusal yan) at humingi ka na rin ng holy water. Ayoko ko na munang i-detalye ang chart mo sa personal na kadahilanan. O sige, comment lang ng comment, SIS. Pati ako, nagsasayaw na ring mag-isa sa disyerto ko. Ganyan ang gayuma dito.

      Doc Dpish

      My reply: ito, gusto kong doctor, wholesome at wholistic. At libre pa ang PF! teka, bakit may appointment sa akin? sus, para akong OBGy!

      napansin ko lang, andaming nasa medical field (doctor, nurse, dentist, etc…) sa blog ngayon. para tuloy ayoko nang maniwala na busy talaga sila.ü”

  40. Naaliw naman ako sa mga ‘confessions’ mo utoy. ^_^

    Puede po bang magtanong???

    ‘May mga seminarista bang nagtsitsikahan din ng crush sa loob ng seminaryo o bawal pag-usapan ang mga ‘admiration’ dahil makakasira sa inyong bokasyon?’

    Hindi ko alam kung makabuluhan itong tanong ko pero curious lang ako kasi matagal ko ng gustong itanong ito sa isang seminarista. peace! ^_^

    among seminarians, syempre makukwento yan. kayo ba namang magkakasama na maghapon eh kilala nyo na kung sino ang may itinatagong syuta. minsan, alam na rin ng mga pari kung nanliligaw ka. dyan mo makikilala kung liberal o hindi ang formator mo. May mga formators, pwede mong pagkwentohan, meron hindi. may ibang pari nga, nagbabawal sa seminarian na lumabas ng maporma o kaya maglagay ng gel o pabango, kasi tiyak daw na sa date ang punta ng seminarian na japorms.

  41. yup, nag-reformat ng dashboard ang WP, getting to know each other din ako, kanina lang mga 10am manila time

    ang hirap ng bagong format, dfish! ako pa naman, ayaw na ayaw ko ang change, lalo na’t pabigla-bigla. nadidiskaril ang utak ko.

  42. @ DFish – masunurin akong bata eh. Ayokong mapalo sa puwet kasi masakit yun. Pero alam mo, kaya ako tambay dito kasi ginagawa akong messenger. Ang masaklap pa nyan, para akong runner ng shabu kasi di ko alam kung ano yung pinapasa kong message. Parang The Secret Part II ata yan kasi with matching bending ala contortionista pa…. eh ikaw? di ka ba mag-iisip nyan? curious ka rin no? Naku! pag masakit ang ipin ko, si Doc Rio kaagad ang tinatanong ko kaso pinapalabas nya kaagad ang pliers na ginagamit para sa mga 10 wheeler trucks. Pero matanong nga kita, DPish. Kanino ako magpapakonsulta pagbroken-hearted ako?? Yung sakit ng bulsa? kanino kaya ako lalapit? hmmmm……..

    @ Brother Utoy – may last message pa pala na dapat ipaparating sayo kaso nakalimutan ko kagabi ipost dito. Nabend mo na ba raw ng tama? Tsaka ito pa… Yung pinadala mo raw pinaimprinta na nya sa mga t-shirts para papamigay for xmas.

    hmmmm…… ano kaya tong mga messages ninyo? parang daig niyo pa ang intelligence ng AFP sa coding coding ah….

    kasi secret nga (parang deodorant lang). pero in due time, all things will be revealed. As for Tshirts… watdahel? anong tshirts yan? nooooooo!!!!!!!!

    Basta, IFM, sometimes, it pays to stay under the rain. A red umbrella will soon come.üüüüü

    @ Rev Siopao – wala bang VIP seats yang tindahan mo? pagod na ako pumila eh….

  43. brotherutoy-si motherlyours ay dati kong kapatid.Pero nalaman niya na ampun lang pala siya kaya naglayas.Hinanap siya ng aming sisterlyours at brotherlyours pero hindi na siya nakita.mga cousinlyours ko na ngayun ang naghahanap sa kanya.

    may mga bigatin ka ring kamag-anak, tay. sina Mang Res (Respectfullyours), Ate Seny (Sincerelyours) at syempre si Aling Kordya (Cordiallyours). malalakas sa munisipyo ang mga yan!ü

  44. @jorge. nakupo parang ganyan dito sa saudi, makikita mo eh mga pulis sa gate entrance bababa pa ng kotse para\ lang mkipag besobeso sa kapwa pulis mga apat na beses silang pabalik balik sa magkabilang bisngi at anf final touch is pagdidikitin yata ang ilong basta ganun, hindi ko masyadong tinitignan at nakakaasiwa lalo pa at nakauniform sila ng pampulis o pang army.

    no malice. toinks!

    paano kung ikaw ang batiin ng mga pulis na yun? yung tipong lima sila na di mo na matakasan? hehehe… parang Meet the Spartans lang.

  45. enjoyed this post a lot.

    pwede po magpahabol ng tanong: saan po ba nanggagaling ang pera ng simbahan o ng isang diocese? i read kasi yung question No.5 pero parang hindi ko mahanap doon ang sagot na hinahanap ko. parang malabo kasi kung sabihin nating galing sa mga donasyong nakokollect tuwing misa at ilang private donors lang nanggagaling ang mga pinangkakain, bihis, pinanliligo, pambayad sa tubig, kuryente, sasakyan atibapa ng mga pari. anlaking donasyon naman noon, di ba?

    wala lang, curious lang po ako.

    ang totoo nyan, Doc, eh tama ka. Galing lang lahat yun sa collection at private donors. Kaya naman depende rin sa collection ang ganda at kahaytekan ng isang parokya. Ang parokya ng mga madadamot, talagang maghihirap. Gayun din ang parokya sa mga probinsya at bulubunduking lugar. Iilan lang talaga ang parokyang mayaman, Doc. Mostly, sa siyudad lang sila makikita, pero majority ng mga pari at ng mga parokya nila ay nagkakasya sa katiting na donasyon. Ang pinakakawawa? mga pari sa seminaryo. kasi wala silang kita except mga extra Masses at houseblessings. Tapos ang kita pa nila ay ino-augment nila para sa gastusin ng seminaryo.

    mahaba pa dapat ito pero hanggang diyan muna, Dok ha.ü

  46. @ Rev Siopao – huhuhuhu! (iyak na di maspell sa comment box) Hindi ko rin alam kung anong private messages na yan. taga abot lang ako. secret daw! nagrequest na ako sa CIA ng america na idecode yang secret nila. Teka, Rev. Siopao. Wala bang VIP seats yang opening ng tindahan mo? pagod na pagod na ako kakapila.

    hah?!!! ang siopawan ni Rev, may VIP rooms??? parang KTV lang!ü kunsabagay, para yun sa mga gustong kumain ng siopao in the comfort of their own privacy.

    hayaan mo, IFM, marereveal din ang secrets… in God’s appointed time. har!

  47. woohoo! ayos ang entry na ito! natawa ako doon sa number 2 eh! at lalo na sa number 3. Kala ko hindi na! galing talaga ng logic mo kuya!
    At mas natuwa ako sa number 9. Hala! Magsusumbong nga rin ako! Kala mo ah!

    Hekhek!
    pwede part three naman! w weehhee!

    ewan ko ba bakit ang hina nilang mag-ithereforeconclude.ü

    ah, huh? number 9? naku wag, eloiski, wag!ü

  48. hehehe…hahahahha
    wala lang naaliw ako sa pagbasa ng post mo pati palitan ng comments dito…

    wow, di ko akalaing ang blog ko ay magiging isang bahay-aliwan!ü

    God bless!

  49. Kapatid, as usual, patok ka nanaman… iba talaga ang wit and humor mo… buti na lang eh humble ka at hindi mo ito niyayabang. Mother Theresa, God bless her soul, should have learned a lesson or two from you when she was alive…hehehe!

    Sayang nga eh. Kung nabubuhay lang si Mother Theresa eh tiyak gagawin nya akong inspirasyon sa virtue of humility.

  50. eto dagdag ko: pagkatapos ng retreat namin dito, pwede pa rin ba tayong magkita?, hehehe. ganyan mga tanong namin sa mga brothers na kasama sa mga retreats namin😀

    naku, kengkay, di bawal itanong ang question na yan!ü we encourage it pa eh.

  51. aliw itong blog mo, father. parang di ko maimagine na pari nga ang nagsusulat. kwela!

    naku, di pa po ako Father. di pa po buntis ang misis ko ako ordained. God bless and thanks for dropping by!

  52. Nakakaaliw ang mga sagot mo dito sa 10 Questions, your Eminence. 🙂 Your blog has been a very enjoyable read. Thanks.

    thanks, panaderos! God bless!

  53. 15mins nalang sa oras ko para mag 12. HAPPY NEW PO BROTHER UTOY! na enjoy ako sa blog mo po.. naku! baka ang maging new year’s resolution ko e abangan lahat ng bagong post mo.. ahahaha. mabuting libangan din un diba? hehe. keep blogging! God bless!😀

  54. may alam akong nakakarelate sa mga tanong na ito.. haha. di ko sasabihin.. hehe.😀

  55. HAPPY BIRTHDAY PO BROTHER! pa cheese burger ka naman jan! hehehe.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: